Emadine
Alcon | Emadine (Medication)
Desc:
Ang Emadine/emedastine difumarate ophthalmic solution 0. 05% ay mabisa sa pansamantalang ginhawa sa mga senyales o sintomas ng conjunctivitis na alerdyi. Ang Emadine/ emedastine difumarate ophthalmic solution 0. 05% ay isang isteril na ophthalmic solusyon na naglalaman ng emedastine, “H1-receptor antagonist” para sa panlabas na panlagay sa mga mata. Pinapayo na ang tamang dosis ay isang patak sa apektadong mata hanggang apat na beses sa isang araw. ...
Side Effect:
Mas mababa sa 5% ng mga pasyente ang naiulat na nakaranas ng mga sumusunod na mga epekto:abnormal na mga panaginip, astenya, masamang panlasa, malabong paningin, nakakapaso o mahapding pakiramdam, “corneal infiltrates”, “corneal staining”, dermataytis, pagkabalisa, panunuyo ng mata, pakiramdam na mayroong ibang nakabit sa katawan, hyperemia, keratitis, pruritus, rhinitis, sinusitis, at pagluluha. Sa mga klinikal na pagaaral ng Emadine/ emedastine difumarate ophthalmic solution ay tumatagal ng 42 araw, at ang pinaka matinding epekto nito ay pananakit ng ulo. ...
Precaution:
Ang gamot na ito ay maaaring maging sanhi ng pagkalabo o mahinang paningin pagkatapos ipatak. Huwag magmamaneho o gumamit ng mabibigat na makinarya na nangangailangan ng malinaw na paningin hanggat siguradong magagampanan ang nasabing gawain nang ligtas. Di nirerekomenda ang paggamit ng gamot ng walang pagsangguni sa doktor kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso. ...