Emcyt
Pfizer | Emcyt (Medication)
Desc:
Ang Emcyt/estramustine phosphate sodium, isang antineoplastic agent, ay isang off-white na pulbos na natutunaw sa tubig. Ang mga kapsula ng Emcyt ay ipinahiwatig para sa palliative na paggagamot sa mga pasyenteng mayroong metastatiko at/o progresibong karsinoma sa prosteyt. Ang mga kapsula ng Emcyt ay puti at malabo, na kada isa ay may lamang estramustine phosphate sodium bilang disodium salt na katumbas sa 140 mg estramustine phosphate, para sa pambibig na administrasyon. Ang bawat kapsula ay mayroon ding lamang magnesium stearate, silicon dioxide, sodium lauryl sulfate, at mika. Ang mga dyelating pabalat ng kapsula ay mayroong sumusunod na pangkulay: titanium dioxide. ...
Side Effect:
Ihinto ang paggamit ng Emcyt at tawagan agad ang iyong doktor kung ikaw ay mayroong seryosong epekto tulad ng: sakit sa dibdib o mabigat na pakiramdam, sakit na kumakalat hanggang braso o balikat, pagduduwal, pamamawis, pangkabuuang masamang pakiramdam; biglang pamamanhid o panghihina, lalo na sa isang parte ng katawan; biglang sakit ng ulo, pagkalito, mga problema sa paningin, pananalita, o balanse; sakit ng dibdib, biglaang ubo, pagsingasing, mabilis na paghina; sakit o pamamaga ng isa o parehong binti; pagkakapos ng hininga, kahit na may malumanay na pagpipilit, pamamaga, mabilis na pagbigat; o madaling pagpapasa. Ang mga hindi masyadong seryosong epekto ay may kasamang pagduduwal, kawalan ng ganang kumain, pagtatae; panghihina o pagod; pamamaga o panlalambot ng suso; o pagkainutil. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago simulan ang Emcyt/estramustine na paggagamot, siguraduhing sabihin sa iyong doktor ang tungkol sa lahat ng ibang mga gamot na iyong ginagamit (kasama ang may reseta, walang reseta, mga bitamina, gamot na erbal, at iba pa). Ang gatas, mga produktong gatas, at pagkaing mayaman sa katsyum (kasama ang mga kaltsyum na may lamang antacid) o mga gamot ay maaaring makasalungat sa pagsipsip ng estramustine. Ang mga produktong ito ay hindi dapat na gamitin kasabay ng Emcyt/estramustine. Ang Emcyt ay maaaring hindi pwedeng iabiso sa iyong kung ikaw ay mayroong haypersensitibidad (alerdyik) na reaksyon sa nitrogen mustard, estradiol o estramustine. Ang Emcyt/estramustine ay hindi inirirekomenda sa mga taong may problema sa pamumuo ng dugo. Huwag tumanggap ng kahit anong uri ng imyunisasyon o baksinasyon ng walang pagpapayag ng iyong doktor habang gumagamit ng estramustine. ...