Eminase

GlaxoSmithKline | Eminase (Medication)

Desc:

Eminase/anistreplase ay gamot upang pigilan ang dugo na mamuo. Ayon sa pag-aaral, ang gamot na ito ay mabisa sa pagpapababa ng panganib ng kamatayan dulot ng malalang atake sa puso. Ang gamot na ito ay ibinibigay sa pamamagitan ng iniksyon sa ugat agad-agad pagkatapos makaranas ng mga sintomas ng atake sa puso. Ito ay ibinibigay ng mga propesyonal na tagapangalaga ng kalusugan na magmamasid ng iyong terapi. Pagbabago sa istilo ng pamumuhay kagaya ng tamang pagdidiyeta, hindi paninigarilyo at pageehersisyo ay madalas na ipinapayomatapos makaranas ng pag-atake sa puso. Importante na iyong maintindihan kung anong mga paraan na dapat na gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng atake sa puso. ...


Side Effect:

Pagdurugo at hindi regular na pagtibok ng puso ay maaring maranasan na epekto ng gamot na ito. Ikaw ay kailangang bantayan ng maiigi para sa anumang epekto ng gamot. Ipaalam sa iyong doktor kung makaranas ng mga sumusunod:pangangati, pamumula, pagpapantal, lagnat, panlalamig, pananakit ng ulo, pagduduwal, labis na pagpapawis, pagkahilo, pananakit ng kalamnan o panginginig. ...


Precaution:

Ang gamot na ito ay hindi maaring gamitin kung mayroon ng mga sumusunod na kundisyon: pagdurugo, mga hindi normal na galaw sa mga daluyan ng dugo, tumor sa utak, pagkakaroon ng istrok, operasyon kamakailan lamang, sobrang taas na presyon ng dugo. Eminase/anistreplase ay dapat gamitin ng may pag-iingat kung mayroon ng mga sumusunod na kundisyon:panganganak sa loob ng 10 araw, suliranin sa pamumuo ng dugo, endocarditis, pagdurugo ng retina kamakailan lamang, pagdurugo kamakailan lamang ng gatrointestinal o ang daluyan ng ihi, ulcer, sobrang taas na presyon ng dugo, operasyon kamakailan lamang, kung ikaw ay sumailalim sa isang synthetic graft, mga hindi normal sa puso. Ang gamot na ito ay maaring gamitin ng nagbubuntis kung talagang kinakailangan. Isangguni sa iyong doktor ang mga panganib at pakinabang. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».