EMLA
AstraZeneca | EMLA (Medication)
Desc:
Ang EMLA (Eutectic Mixture of Lidocaine and Prilocaine) ay isang lokal na anestetiko na ipinapahid, na ginawa upang mapamanhid ang balat. Ang EMLA ay ginagamit upang maiwasan ang sakit na dala ng pagtusok ng karayon, intravenous cannulation, at superpisyal na operasyon sa balat at genital mucous membrane. ...
Side Effect:
Alisin ang kremang gamot at humanap ng mabilisang tulong medikal kung ang mga sumusunod na madalang na mga epekto ay maranasan: mabagal/mababaw na paghinga, maputla/mabughaw na balat sa paligid ng bibig/labi, pagkahilo, pagkahimatay, mabilis/mabagal/hindi regular na tibok ng puso, pagbabago-bago ng pag-iisip/kalooban (hal. pagkalito, pagkakaba), sisyur, sobrang pagkaantok. Pamumula, pamamaga, pangingiro/pagkapaso, o pagkaputla ng kulay ng balat ay maaring maranasan. Kung mga nasabing epekto ay manatili o maging malubha, agad ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko. ...
Precaution:
Bago gumamit ng gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ukol sa iyong kasaysayang medikal, lalo na ang mga sumusunod: sakit sa dugo (sakit na G6PD, lalo na sa mga bata) sakit sa puso (hal. hindi regular na tibok ng puso) sakit sa bato, sakit sa atay. Pinapayuhan ng pag-iingat sa paggamit ng gamot na ito sa mga matatanda sapagkat sila ay maaaring mas sensitibo sa mga epekto ng gamot, lalo na ang epekto ng pagkahilo. Hindi ipinapayo ang gamot na ito sa mga nagbubuntis at nagpapasuso ng walang pagsangguni sa iyong doktor. ...