Alferon - N

Interferon Sciences | Alferon - N (Medication)

Desc:

Ang Alferon - N/Interferon alfa-n3 ay gawa mula sa mga protina ng tao. Ang mga interferon ay tumutulong sa katawan na labanan ang mga inpeksyong sanhi ng mikrobyo. Ito ay ginagamit upang gamutin ang mga kulugo sa ari na lumilitaw sa labas ng katawan. Ang medikasyong ito ay para lamang sa mga taong 18 taong gulang man lang. ...


Side Effect:

Ang mga reaksyon sa pinagturukan (sakit/pamamaga/pamumula), pagtatae, pag-iiba ng tiyan, kawalan ng ganang kumain, sakit ng likod, pagkahilo, tuyong bibig, pagbabago sa panlasa, pagduduwal, o pagsusuka ay maaaring mangyari. Kung ikaw ay parehong gumamit ng Alferon-N at ribavirin, maaaring mabilisng kang magkaroon ng ilang problema sa dugo (anemya); mga problema sa ngipin at galagid ay maaaring mangyari minsan. Ang tuyong bibig ay maaaring higit na palalain ang epekto ito. Ang mga sintomas na parang sa trangkaso tulad ng sakit ng ulo, pagkapagod, ginaw, at sakit ng mga kalamnan ay maaaring mangyari, lalo na kung unang beses mong sinimulan ang medikasyong ito. Ang mga sintomas na ito ay karaniwang tumatagal ng 1 araw pagkatapos ang pagtuturok at bumubuti o nawawala pagkatapos ang ilang linggo ng patuloy na paggamit. Ang pansamantalang paglalagas buhok ay maaaring mangyari. Ang normal na pagtubo ng buhok ay dapat na bumalik pagkatapos ng paggagamot. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, ipabatid sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may matinding kondisyon sa atay. Ang gamot na ito ay maaaring gawin kang nahihilo. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap o malinaw na paningin hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Limitahan ang pag-inom ng alak. Huwag magkaroon ng mga imyunisasyon/baksinasyon ng walang pagpayag ng iyong doktor, at iwasan ang kontak sa mga taong nagkaroon ng pambibig na bakuna sa polyo o bakung para sa trangkaso na sininghot ng ilong kamakailan lamang. Ang pag-iingat ay inaabiso sa paggamit ng gamot na ito sa mga matatanda dahil sila ay maaaring mas sensitibo sa mga epekto ng gamot, lalo sa pagkahilo, mga pagbabago sa pag-iisip/kalooba, at mga epekto sa puso. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».