Endal
PediaMed Pharmaceuticals | Endal (Medication)
Desc:
Ang Endal ay isang kombinasyong medikasyon ng diphenhydramine, hydrocodone, at phenylephrine na ginagamit upang gamutin ang ubo at pagbabara ng ilong na kaugnay ng mga inpeksyon sa itaas na bahagi ng respiratoryong trak at mga alerhiya. Ang Diphenhydramine ay isang antihistamine. Hinaharangan nito ang mga epekto ng natural na lumilitaw na kemikal sa katawan at binabawasan ang pagbabara. Ang Hydrocone ay isang narkotiko. Ito ay isang pampaginhawa sa sakit at pamipigil ng ubo. Ang Phenylephrine ay isang decongestant. Ito ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpapasikip (pagpapaliit) ng mga ugat (mga vein at arterya) sa katawan. Ang konstriksyon ng mga ugat sa mga sinus at ilong ay nagpapababa ng pagbabara. ...
Side Effect:
Mayroong ilang mga epekto na maaaring mangyari pagkatapos ng paggamit ng gamot tulad ng: pagduduwal, pag-iiba ng tiyan, pagkakaba, hirap matulog, pagkahilo, o sakit ng ulo. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihin ng maagap sa iyong doktor o parmaseutiko. Sabihin agad sa iyong doktor kung lainman sa mga hindi malamang ngunit seryosong mga epekto ang mangyari: pag-uuga (pangangatog), mabilis/iregular/kumakabog na tibok ng puso, mahirap/masakit na pag-ihi, hirap sa paghinga, mga pagbabago sa kaisipan/kalooban (halimbawa, pagkairita, pagkalito, mga halusinasyon). Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Endal/diphenhydramine, hydrocodone, at phenylephrine, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong: epilepsi o ibang mga karamdamang seizure; nasuring may sleep apnea (mga oras ng hindi paghinga habang natutulog); mga problema ng teroydeo; hika; sakit sa pantog; o pinsala ng ulo; sakit na Addison; dyabetis; glawkoma; isang ulser o obstruksyon sa tiyan; mga problema sa pantog o hirap umihi; lumaking prosteyt; altapresyon, iregular na mga tibok ng puso, o kahit anong uri ng sakit ng puso; mga problema sa bato; o mga problema sa atay. Maaaring hindi mo mainom ang Endal/diphenhydramine, hydrocodone, at phenylephrine, o maaaring kailanganin mo ng pagbabago ng dosis o espesyal na pagmomonitor habang naggagamot kung ikaw ay mayroong alinman sa mga kondisyong nakalista sa taas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...