Engerix - B

GlaxoSmithKline | Engerix - B (Medication)

Desc:

Ang Engerix – B ay ipinahiwatig para sa imyunisasyong laban sa inpeksyong sanhi ng lahat ng mga subtype ng hepatitis B virus. Ang Hepatitis B ay isang sakit na sanhi ng mikrobyo sa atay na kumakalat sa dugo o mga likido ng katawan, sekswal na kontak o pagpapahiram ng mga karayom ng IV drug sa mga taong mayroong sakit, o habang panganganak kung saan ang ipinangak ng inang may sakit ang sanggol. Ang hepataitis ay nagsasanhi ng implamasyon sa atay, pagsusuka, at paninilaw (paninilaw ng balat o mga mata). Ang hepataitis ay pwedeng magsanhi ng kanser sa atay, sirosis, o kamatayan. Ang Engerix – B ay gumagawa sa pamamagitan ng paglalantad sa iyo sa kaunting mikrobyo, na nagsasanhi sa katawang magkaroon ng kaligtasan sa sakit. Hindi gagamutin ng Engerix – B ang aktibong inpeksyon sa nagsimula na sa iyong katawan. ...


Side Effect:

Ang karaniwang mga epekto ay may kasamang pansamantalang pamamaga, pamumula o paninigas ng balat sa palibot ng bahaging tinurukan. Ang mga madalang na mga epekto ay may kasamang: pagkahilo; sakit ng ulo; pakiramdam na parang tinuruturok ng karayom (paraesthesia); mga gambala sa tiyan tulad ng pagtatae, pagduduwal, pagsusuka o sakit ng tiyan; pamamantal o pangangati; abnormal na paggawa ng atay; sumasakit ng mga kalamnan o kasu-kasuan; pagod; lagnat; sipon o mga sintomas ng parang sa trangkaso; pangkabuuang masamang pakiramdam (karamdaman). Ang ibang mga epekto ay maaaring mangyari tulad ng: namagang mga glandula (lymphadenopathy); mga reaksyong alerdyi tulad ng matinding pamamantal ng balat, pamamaga ng labi, dila, at lalamunan (angioedema), pagsisikip ng mga daanan ng hangin (bronchospasm), o anaphylaxis; bumabang bilang mga pleytlet sa dugo (trombosaytopenya); pagkahimatay; mga problema sa nerb; kombulsyon; mababang presyon ng dugo. ...


Precaution:

Hindi ka dapat tumanggap ng Engerix – B kung ikaw ay mayroong banta sa buhay na reaksyong alerdyi sa kahit anong bakunang may lamang hepataitis B, o kung ikaw ay hindi hiyang sa baker’s yeast. Kung ikaw ay mayroong kahit ano sa mga kondisyong ito, ang Engerix – B ay maaaring hindi matuloy o hindi tuluyang ibigay; multiple sclerosis; sakit sa bato (o kung ikaw ay nasa dyalisis); karamdaman sa pagdurugo o pamumuo ng dugo tulad ng hemopilya o madaling pagpapasa; kasaysayan ng mga seizure; isang neurolohikong karamdaman o sakit na nakakaapekto sa utak (o kung ito ay reaksyonsa nakaraang bakuna); isang alerdyi sa lateks na goma; mahinang sistemang kaligtasan sa sakit na sanhi ng sakit, transplanta ng utak ng buto, o sa pamamagitan ng ilang mga gamot o tumatanggap ng paggagamot sa kanser; o kung ikaw ay gumagamit ng pampalabnaw ng dugo tulad ng warfarin. Maaari ka pa ring tumanggap ng bakuna kung ikaw ay may menor na sipon. Sa kaso ng mas matinding sakit na may kasamang lagnat o kahit anong uri ng inpeksyon, hintayin hanggang ikaw ay bumuti bago tumanggap ng Engerix – B. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».