Entex

Andrx Pharmaceuticals | Entex (Medication)

Desc:

Ang Entex ay gamot sa baradong ilong at paninikip ng sinus, at pagpapababa ng paninikip ng dibdib sanhi ng pangkaraniwang sipon o trangkaso. Ang Guaifenesin ay isang expectorant. Ito ay tumutulong upang malunasan ang paninikip ng dibdib at lalamunan, na nagpapadali sa pag-ubo gamit mula sa bibig. Ang Phenylephrine ay isang decongestant na nagpapapapaliit ng mga daluyan ng dugo sa daanan ng paghinga. Ang pagbuka ng mga daluyan ng dugo ay maaring maging sanhi ng pagsikip ng paghinga. ...


Side Effect:

Ang mga maaaring maging malubhang epekto ay ang mga sumusunod:mabilis, bumabayong pagtibok ngpuso;matinding pagkahilo, pagkabalisa, hindi mapakali, nerbiyos, madaling magpasa or magdugo, kakaibang pagkapagod, lagnat, panlalamig, pananakit ng katawan, sintomas ng trangkaso, mapanganib na pagtaas ng presyon ng dugo (matinding pananakit ng ulo, paglabo ng paningin, pagkakadinig ng mga matitining na tunog, pagkabalisa, pagkalito, pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, di pantay na pagtibok ng puso, seizure o pagatake); o pagduduwal, pananakit ng tiyan, mababang lagnat, pagkawala ng gana kumain, malabo o madilim na ihi, kulay putik na dumi, paninilaw ng balat o ng mata. Ang mga hindi gaanong malalang epekto ay ang mga sumusunod:pagsusuka, pananakit ng tiyan, pagakakaron ng mainit na pakiramdam, pangingilabot, o pammula ng balat; pananabik o pagkabalisa(lalo na sa mga bata); hirap sa pagtulog (insomiya); pantal sa balat o pangangati; pananakit ng ulo; o pagkahilo. ...


Precaution:

Bago gumamit ng Entex, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay may alerdyi, kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot o kung ikaw ay mayroong kundisyong medikal gaya ng sumusunod:sakit sa puso o mataas na presyon ng dugo; diyabetis; sakit sa teroydeo; suliranin sa sirkulasyon; glaucoma; sobrang aktibong teroydeo; paglaki ng prosteyt o hirap sa pag-ihi. Kung ikaw ay may mga kundisyon na nabanggit, ikaw ay di maaaring gumamit ng Entex, o ikaw maaaring mangailangan ng pagsasaayos ng dosis o espesyal ng pagsusuri habang ginagamot. Di nirerekomenda ang paggamit ng gamot ng walang pagsangguni sa doktor kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».