Entocort EC
AstraZeneca | Entocort EC (Medication)
Desc:
Ang Entocort EC/budesonide ay isang isteroyd. Ito ay pumipigil sa paglabas mula sa katawan na nagdudulot ng pamamaga. Ang Entocort EC ay ginagamit sa paggagamot ng mahina hanggang katamtamang sakit na Crohn's. Ang natural na lumalabas na hormon kung saan ginagawa nito ang mga paggalaw ng budesonide ay tinatawag na cortisol o hydrorocortisone na gawa ng mga glandula na adrenal. Ang Glucocorticoid steroids ay may mabisang panlaban sa pamamaga. Ang sakit na Crohn's ay isang malubhang sakit na pamamaga ng mga bituka mula sa di pa nalalamang dahilan na nagdudulot ng pagtatae, namumulikat na pananakit ng sikmura, lagnat at pagdurugo ng puwit. ...
Side Effect:
Ang pinaka pangkaraniwang epekto ng Entocort EC/budesonide ay pananakit ng ulo, impeksyon sa mga daanan ng paghinga, pagduduwal, pagtatae, pananakit ng sikmura, pananakit ng likod, pagkahilo, pagkahapo, at sintomas o senyales ng sobrang paggamit ng isteroyd. Ang sobrang paggamit ng corticosteroid ay nagdudulot ng mga akne, madaling pagsusugat, pagbibilog na hugis ng mukha, mga bukol na tinatawag na buffalo hump, sobrang pagtubo ng mga buhok, pamamaga ng bukong-bukong. Ang Entocort EC/budesonide ay maaaring din maging dahilan ng mababang potasyum, pagdagdag ng timbang, reaksyong alerdyi, insomniya, at pagbabago ng kalooban o mood. Ang mataas na dosis ng budesonide ay maaaring magpababa ng pagbubuo at magpataas ng pagkasira ng mga buto. Ang mataas na dosis ng budesonide ay maaari din pumigil sa abilidad ng katawan upang gumawa ng mga natural na glucocorticoid, cortisol. Ang mga pasyenteng naggagamot ng corticosteroids ay madaling magkaroon ng impeksyon, at maaaring magkaroon ng mga malubhang impeksyon kaysa sa mga malulusog na mga tao. Halimbawa, bulutong tubig o chickenpox at tigdas o measles na mga bayrus ay maaaring magdulot ng mga malubha at nakamamatay na mga sakit sa mga pasyenteng nagggagamot ng mataas na dosis ng corticosteroids. ...
Precaution:
Ang mga prutas na grapefruit at mga katas nito ay maaaring maihalo sa Entocort EC/budesonide at maaaring maging sanhi ng mataas na antas ng gamot sa iyong dugo. Talakayin ang paggamit ng mga produkto ng nasabing prutas sa iyong doktor. Huwag itataas o ibababa ang dami ng pagkain o paginom ng mga produkto ng grapefruit sa iyong diyeta nang walang pagsangguni sa iyong doktor. Iwasan ang pakikisalamuha sa mga taong may sakit o mayroong impeksyon. Tawagan ang iyong doktor upang makaiwas sa bulutong tubig o tigdas. Hindi ipinapayo sa mga nagbubuntis o nagpapasuso nang walang pagsangguni sa iyong doktor. ...