Ephedrine - oral

Teva Pharmaceutical Industries | Ephedrine - oral (Medication)

Desc:

Ang ephedrine ay ginagamit upang magkaroon ng pansamantalang lunas ang hirap sa paghinga, paninikip ng dibdib, pagpito habang humihinga dulot ng bronchial asthma. Ang ephedrine ay maaaring gamitin sa iba pang mga pagkakataon ayon sa mga matutukoy ng iyong doktor. Ang ephedrine ay isang decongestant at bronchodilator. Ito ay nagiging mabisa sa pamamagitan ng pagpapabawas ng pamamaga at pagsisikip ng mga daluyan ng dugo sa mga daluyan ng paghinga at pagpapalawak ng mga daanan sa baga kung saan makakaranas ng maayos na paghinga. Ang gamot na ito ay hindi dapat gamitin kasabay ng iba pang produkto (hal. kape) iba pang gamot sa ubo at sipon, o bilang dietary supplement upang magpabawas ng timbang o pagpapalaki ng katawan. ...


Side Effect:

Labis na kaba, insomniya, pagkahina ng kalamnan, panginginig, mablis na tibok puso, labis na pagpapawis, pananakit ng ulo, pagtaas ng presyon ng dugo, pagduduwal, pagsusuka, mataas na bilang ng paggamit ay maaaring maging sanhi ng pagtaas ng blood sugar depression, magbunga ng tachyphylaxis. Maaaring maranasan ang labis na kaba, pagkabalisa, pagkahilo,pananakit ng ulo, pagduduwal, pagkawala ng gana kumain, hirap sa pagtulog. Ipaalam sa iyong doktor kung patuloy na mararanasan ang nasabing mga epeketo o lumala ang mga ito. Agad ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay makakaranas ng mga sumusunod na malubhang epekto:pananakit ng dibdb, kakaibang bilis o hindi regular na tibok ng puso, pagsusuka, panginginig, labis na pagpapawis, labis na pagbawas ng timbang, hirap o masakit na pag-ihi, pananakit ng tiyan. Agad ipaalam sa iyong doktorkung ang mga sumusunod na madalang ngunit mapanganib na mga epekto ay mararanasan:labis na pagpalit ng isip/mood, lagnat, hirap sa paghinga, panghihina sa isang bahagi ng katawan, pagkalito, suliranin sa paningin, pagkabulol. Tumawag sa iyong doktor kung mayroon ka pang ibang mapapansing epekto na hindi nabanggit. ...


Precaution:

Ang gamot na ito ay hindi dapat gamitin kung ikaw ay makakaramdam ng mga sumusunod na kundisyong medikal:glaucoma (closed-angle type), mga tiyak na psychiatric conditions (hal. psychoneurosis). Ipaalam sa iyong doktor ang iyong kasaysayang medikal, lalo na ang mga sumusunod:suliranin sa puso (hal. arrhythmias, pananakit ng dibdib), suliranin sa vessels ng dugo (hal. stroke o TIA), diyabetis, sakit sa thyroid (hyperthyroidism), suliranin sa prosteyt, mataas na presyon ng dugo (hypertension), suliranin sa bato, anumang alerdyi. Di nirerekomenda ang paggamit ng gamot ng walang pagsangguni sa doktor kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».