Epinephrine - type glaucoma eye medicine
Wyeth | Epinephrine - type glaucoma eye medicine (Medication)
Desc:
Ang medikasyong ito ay ginagamit upang bawasan ang presyur ng mata. Ito ay ginagamit sa paggagamot ng glawkoma. Sa paglalagay ng pamatak sa mata, hugasan muna ang mga kamay. Upang maiwasan ang kontaminasyon, huwag hahawakan ang dulo ng pamatak o hahayaang sumayad ang dulo sa iyong mata o sa kahit anong kalatagan. Iliyad ang iyong ulo, tumingin sa taas at ibukas ang iyong mga talukap ng mata. Ilagay ang pamatak sa itaas, direkta sa iyong mata at iadministera ang bilang ng mga patak. Tumingin sa baba at dahan-dahang isara ang iyong mata para sa 1 hanggang 2 mga minuto. Subukang huwag pumikit at huwag kukusutin ang iyong mata. Kung higit sa isang uri ng pamatak sa mata ang gagamitin, maghintay ng 5 minuto man lamang bago gumamit ng ibang medikasyon sa mata. Huwag babanlawan ang pamatak. Huwag gagamitin ang pamatak sa mata na nag-iba na ang kulay. ...
Side Effect:
Mayroong ilang mga epekto na pwedeng mangyari agad pagkatapos gamitin ang gamot na ito tulad ng: sakit ng ulo, sakit ng kilay, o panandaliang pagkirot. Ang mga epekto ay dapat na mawala habang ang iyong katawan ay nakikiayon sa medikasyon. Kung ang mga ito ay tumagal o makaabal, ipaalam sa iyong doktor. Ang iyong paningin ay maaaring maging pansamantalang malabo o paiba-iba pagkatapos maglagay ng mga pamatak sa mata. Mag-ingat kung magmamaneho o gagawa ng mga trabahong nangangailangan ng malinaw na paningin. Ang medikasyong ito ay pwedeng gawing mas sensitibo sa maliwanag na ilaw ang iyong mata. Magsuot ng mga sunglass. Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay magkaroon ng: mga pagbabago sa paningin, sakit ng mata, pamamawis, pangangatog, mabilis na tibok ng puso. Kung ikaw ay may mapansing ibang mga epektong hindi nakalista sa itaas, kontakin ang iyong doktor o parmaseutiko. ...
Precaution:
Ang mga pamatak sa mata na ito ay maaaring may lamang mga preserbatibo na pwedeng magsanhi ng seryosong uri ng mga reaksyong alerdyi sa mga taong sensitibo sa mga gayung preserbatibo. Siguraduhing babasahin ang mga sangkap ng bawat bote at tanungin ang iyong parmaseutiko kung pwede ba ito sa iyo. Kung ikaw ay may masamang reaksyon (pangangati, pamumula, pamamaga o implamasyon ng mga mata) sa mga pamatak sa mata na ito, sabihin sa iyong doktor. Bago gamitin ang mga pamatak na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong: altapresyon, sakit sa puso o ugat, iregular na tibok ng puso, hika. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...