Eplerenone
Sandoz Limited | Eplerenone (Medication)
Desc:
Ang Eplerenone ay isang uri ng gamot na tinatawag na aldosterone atagonist, ito ay gumagawa sa pamamagitan ng paghaharang sa mga aksyon ng hormon ng aldosterone sa katawan. Ang medikasyong ito ay ginagamit ng mag-isa o sa kombinasyong kasama ng ibang mga medikasyon upang gamutin ang altapresyon. Ito rin ay ginagamit upang gamutin ang kondyestib na pagpapalya ng puso pagkatapos ng atake sa puso. Inumin ang gamot na ito gamit ang bibig, ng mayroon o walang kasamang pagkain, isa o dalawang beses araw-araw, o ayon sa dinirekta ng iyong doktor para sa iyong kondisyon. Ang dosis ay nakabase sa iyong kondisyong medikal at pagtugon sa paggagamot. Huwag tataasan ang dosis o dadalasan ng walang abiso ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Ang paggamit ng gamot na ito ay maaaring magsanhi ng: pagtatae, sakit ng tiyan; ubo; pagkahilo; pagod; lagnat, ginaw, pananakit ng katawan, mga sintomas ng trangkaso; pagdurugo ng ari ng babae; o pamamaga o panlalambot ng suso. Ang mga ito ay hindi matinding epekto, ngunit kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang mga mas matinding masamang reaksyon ay may kasamang: alerdyi – pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pamamantal; mataas na potasa – mabagal na tibok ng puso, mahinang pulso, panghihina ng kalamnan, tusok-tusok na pakiramdam; o mababang potasa – pagkalito, hindi pantay na bilis ng puso, matinding pagkauhaw, dumalas nap ag-ihi, hindi kaginhawahan ng binti, panghihina ng kalamnan o panlalata. Kung ikaw ay mayroong mapansing alinman sa mga ito, humingi ng agarang tulong medikal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang dito, sa ibang mga gamot, o kung ikaw ay mayroong kahit anong ibang mga alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: hayperkalemya, ikalawang uri ng dyabetis, sakit ng atay, o mataas na kolesterol o mga triglyceride. Dahil ang Eplerenone ay pwedeng magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...