Epoetin alfa

Janssen Pharmaceutica | Epoetin alfa (Medication)

Desc:

Ang Epoetin alfa ay isang gawa ng taong porma ng protina na tumutulong sa iyong katawan na magprodyus ng mga pulang selula ng dugo. Ang dami ng protina sa iyong katawan ay maaaring mabawasan kapag mayroon kang pagpapalya ng bato o gumagamit ka ng ilang mga medikasyon. Kapag mas kaunti ang naiprodyus na mga pulang selula dugo, pwede kang magkaroon ng isang kondisyong tinatawag na anemya. Ang Epoetin alfa ay ginagamit upang gamutin ang anemya (kawalan ng mga pulang selula sa dugo). Ang Epoetin alfa ay kasama sa isang klase ng mga gamot na tinatawag na mga colony-stimulang factor dahil sa kakayanan nitong mapasigla ang utak ng buto upang magparami at pomorma ng mga kolonya ng magkakatulad ng mga selula. Ang ibang mga colony-stimulating factor ay may kasamang filigrastim (Neupogen) at sagramostin (Leukine). Ang Epogen at Procrit ay parehong Epoetin alfa, ngunit sila ay ibinibenta ng dalawang magkaibang mga parmaseutikong kompanya. ...


Side Effect:

Ang pinakakaraniwang mga epekto ng Epoetin alfa sa mga pasyenteng may pagpapalya ng bato at nasa dyalisis ay ang altapresyon, sakit ng ulo, sakit ng kasu-kasuan at pamumuo ng dugo sa tinurukang bahagi. Ang mga madalang na kaso ng pagkirot sa tinurukang bahagi, pamamantal at mga sintomas ng parang sa trangkaso (sakit ng kasu-kasuan at kalamnan) ay nangyari makalipas ang ilang mga oras pagkatapos ng administrasyon. Ang mga reaksyong alerdyi, mga seizure, at pangyayaring trombotiko (halilmbawa, mga atake sa puso, mga atakeng serebral, at embolismo ng baga) ay madalang na nangyayari. Sa mga pasyenteng mayroong HIV na tumatanggap ng zidovudine, ang pinakakaraniwang mga epekto ng Epoetin alfa ay ang lagnat, sakit ng ulo, pamamantal, at paninikip ng dibdib at ilong. Ang mga madalang na kaso ng mga seizure at matinding pamamantal ay nangyari sa mga pasyenteng ito. Ang pinakakaraniwang mga epekto sa mga pasyenteng sumailalim sa operasyon ng anemya ay ang lagnat, pagduduwal, konstipasyon, mga reaksyon sa balat, pagsusuka at mga sakit ng ulo. Ang pamumuo ng dugo sa ugat, na tinukoy bilang deep venous thrombosis, ay maaari ring mangyari. Sa mga pasyenteng mayroong kanser na tumatanggap ng kemoterapiya, ang pinakakaraniwang epekto ng Epoetin alfa ay lagnat, pagtatae, pamamaga ng tisyu, pagkakapos ng hininga, paresthesia (abnormal na mga sensasyon tulad ng pagsusunog o paghapdi ay maaaring mangyari sa kahit saan sa katawan), at inpeksyon sa itaas na bahagi ng respiratoryo. Ang paggagamot ng Epoetin alfa ay maaaring magpadami sa paglaki ng ilang mga uri ng kanser at nagbabawas sa kaligtasan, at, kaya naman, ito ay dapat na higpitan sa mga kondisyong natalakay na. ...


Precaution:

Hindi ka dapat na gumamit ng medikasyong ito kung ikaw ay may hindi nagamot o hindi kontroladong altapresyon, kung ikaw ay hindi hiyang sa Epoetin alfa o darbepoetin alfa, o kung ikaw ay nagkaroon ng purong red cell aplasia sa pamamagitan ng paggamot ng alinman sa dalawang gamot na ito. Bago gamitin ang Epoetin alfa, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong epilepsi o kasaysayan ng mga seizure. Ang Epoetin alfa ay maaari ring magsanhi ng mga seizure. Mag-ingat kung ikaw ay magmamanehi o gagawa ng kahit anong kinakailangan mong maagap at alerto. Ang gamot na ito ay pwedeng magpataas sa iyong panganib ng banta sa buhay na mga problema sa puso o sirkulasyon, kasama ng mga atake sa puso o atakeng sererbral. Ang panganib na ito ay magpapatagal sa iyong paggamit ng Epoetin alfa. Ang Epoetin alfa ay maaari ring magpaikli ng panahon kaligtasan sa ilang mga taong mayroong ilang mga uri ng kanser. Kumuha ng agarang tulong medikal kung ikaw ay mayroong mga sintomas ng mga problema sa sirkulasyon, tulad ng sakit ng dibdib o mabigat na pakiramdam, sakit na kumakalat hanggang sa braso o balikat, pagkakapos ng hininga, putol-putol na pananalita, o mga problema sa paningin o balanse. Ang Epoetin alfa ay gawa mula sa plasma (parte ng dugo) ng tao na maaaring may lamang mga mikrobyo at ibang mga ahenteng mainpeksyon. Ang ibinigay na plasma ay sinuri at ginamot upang bawasan ang panganib na ito ay may lamang mga ahenteng mainpeksyon, ngunit mayroon pa ring maliit na posibilidad na ito ay pwedeng makahawa ng sakit. Epoetin alfa. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».