Epoprostenol injection

Teva Pharmaceutical Industries | Epoprostenol injection (Medication)

Desc:

Ang medikasyong ito ay ginagamit upang gamutin ang altapresyon sa mga baga (pulmonary arterial hypertension). Ito ay tumutulong sa pagpapataas sa iyong kakayanang mag-ehersisyo at pabutihin ang mga sintomas tulad ng pagkakapos ng hininga at pagkapagod. Ito ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpaparelaks o pagpapalaki ng mga ugat (mga arterya) sa mga baga at ibang mga parte ng katawan upang mas madaling dumaloy ang dugo. Sa unang paggamit ng medikasyong ito, ito ay dapat na ibigay ng isang propesyonal sa alagang pangkalusugan sa ospital o klinika. Ang medikasyong ito ay ibinibigay sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagturok sa iyong ugat gamit ang infusion pump, o ayon sa dinirekta ng iyong doktor. Konsultahin agad ang iyong doktor kung ang iyong inpyusyon ay natigil o kung ikaw ay nagkaroon ng lumalalang hirap sa paghinga, pagkahilo, o panghihina. Upang maiwasan ang paghinto ng paggagamot, dapat ay mayroon kang ekstrang infusion pump at mga infusion set kung sakaling magpalya ang iyong aparato. ...


Side Effect:

Ang pagduduwal, pagtatae, pagkahilo, pamumula, sakit ng tiyan, sakit ng panga, sakit ng kalamnan, o sakit/pamumula/pamamaga sa bahaging tinuruka ay maaaring mangyari. Sabihin agad sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong alinman sa mga hindi malamang ngunit seryosong epekto: mga pagbabago sa kaisipan/kalooban (tulad ng pagkabalisa, pagkakaba, pagkalito), mga senyales ng inpeksyon (tulad ng lagnat, ginaw), balat na manhid/tusok-tusok, mabilis/mabagal/iregular na tibok ng puso, mga pagbabago sa paningin, sakit ng dibdib, hindi pangkaraniwang pagpapasa/pagdurugo. ...


Precaution:

Bago gamitin ang epoprostenol, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya. Ang produktong ito ay maaaring may lamang hindi aktibong sangkap, na pwedeng magsanhing reaksyong alerhiya o ibang mga problema. Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: pagpapalya ng puso (sa kaliwang bahagi ng puso), mga problema sa pagdurugo (tulad ng pagdurugo ng tiyan/mga bituka), mga karamdaman sa dugo (tulad ng trombosaytopenya), sakit sa atay. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».