Eprosartan

Mepha | Eprosartan (Medication)

Desc:

Ang Eprosartan ay ginagamit upang bigyan lunas ang mataas na presyon ng dugo (hypertension). Minsan, ito ay binibigay kasama ang iba pang gamot para sa presyon ng dugo. Ang Eprosartan ay isang pangkat ng mga gamot na tinatawag na angiotensin II receptor antagonists. Ang Eprosartan ay pinipigilan ang mga daluyanl ng dugo na maging manipis na siyang nagpapababa ng presyon ng dugo ang nagpapaganda ng pagdaloy ng dugo. ...


Side Effect:

Agad na tawagan ang iyong doktor kung ikaw ay makaranas ng di mapaliwanag na pananakit ng kalamanan, panghihina lalo na kung ikaw ay may lagnat, kakaibang pagkahapo, madilim na kulay ng ihi. Agad tawagan ang iyong doktor kung ikaw ay makaranas ng matinding epekto gaya ng:pakiramdam na ikaw ay hihimatayin; madalang na pag-ihi o hindi pag-ihi; pananakit ng dibdib, mabilis na tibok ng puso; pamamanas ng kamay o paa. Humanap ng tulong medikal kung ikaw ay makakaramdam ng mga sumusunod na palatandaan ng reaksyon sa alerdyi:pamamantal; hirap sa paghinga; pamamaga ng mukha, labi, dila o lalamunan. Sa madalang na mga nagiging kaso, ang eprosartan ay maaaring maging sanhi ng isang kundisyon na nagdudulot ng pagkasira ng mga “skeletal muscle tissue,” na nagbubunga ng pagkasira ng bato o kidney. ...


Precaution:

Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay may mga alerdyi bago gamitin ang gamot na ito. Ang pag-inom ng alak ay maaaring magpababa lalo ng presyon ng dugo at maaaring magpataas ng mga epekto ng eprosartan. Huwag gumamit ng mga “potassium supplements” o “salt substitutes” habang ikaw ay nag gagamot ng eprosartan, maliban na lamang kung sinabi ng iyong doktor. Ang iyong presyon ng dugo ay mangangailangan ng madalas na pagsusuri. Ugaliing bumisita sa iyong doktor. Sa madalang na mga nagiging kaso, ang eprosartan ay maaaring maging sanhi ng isang kundisyon na nagdudulot ng pagkasira ng “skeletal muscle tissue,” na nagiging dahilan upang masira ang bato. Agad tumawag sa iyong doktor kung ikaw ay makakaramdam ng di maipaliwanag na pananakit ng kalamnan, o panghihina lalo na kung ikawmagkakaroon ng lagnat, kakaibang pagkapagod, at madilim na kulay na ihi. Itigil ang paggamit ng gamot na ito at agad ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay magbuntis. Ang Eprosartan ay maaaring maging sanhi ng kapinsalaan o kamatayan sa ipinagbubuntis na sanggol kung ikaw ay gagamit habang nasa pangalawa o pangatlong traymester ng pagbubuntis. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».