Aliskiren

Xanodyne Pharmaceuticals | Aliskiren (Medication)

Desc:

Ang Aliskiren ay ginagamit upang gamutin ang essential na altapresyon (mataas na presyon ng dugo). Ang ibig sabihin ng essential, ang altapresyon ay walang halatang sanhi. Kinukontrol ng Aliskiren ang altapresyong ngunit hindi ito ginagamot. Ang Aliskiren ay nasa tableta na iniinom gamit ang bibig. Ito ay kadalasang iniinom ng isang beses sa isang araw. Ang Aliskiren ay dapat na inumin ng parahong oras, may pagkain man o wala. Inumin ang Aliskiren ng parehong oras araw-araw. Sundin ang mga direksyong nasa niresetang etikita ng maingat, at tanungin ang iyong doktor o parmaseutiko upang ipaliwanag ang kahit anong parteng hindi mo maintindihan. ...


Side Effect:

Ang mga karaniwang epekto ay maaaring may kasamang: angioedema, hyperkalemya (partikular kung ginamit kasama ang mga ACE ihibitor sa mga diyabetikong pasyente); haypotensyon (partikular sa mga pasyenteng volume-depleted); pagtatae at ibang mga GI na sintomas; sakit ng ulo; pagkahilo; ubo; pamamatal; tumaas na yurik na asido, gota at bato sa bato. Ang mga hindi karaniwang epektong maaaring mangyari ay may kasamang: alerdyik na pamamaga ng mukha, mga labi o dila at hirap na paghinga. Ang seryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay madalang, ngunit humingi ng agarang atensyong medikal kung ito ay mangyari. Ang mga sintomas ng serysong reaksyong alerdyi ay may kasamang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang Aliskerin, sabihin sa iyong tagapagbigay ng alagang pagkalusugan kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya. Kung ikaw ay may dyabetis o sakit sa bato, maaaring hindi mo pwedeng inumin ang Aliskerin o kung ikaw ay umiinom rin ibang medikasyong para sa puso o altapresyon. Upang siguraduhing ligtas mong magagamit ang Aliskerin, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit ano sa ibang mga kondisyong ito: sakit sa bato (o kung ikaw ay nasa dyalisis); sakit sa puso; o kung ikaw ay nasa diyetang mababang asin; o kung ikaw ay nagkaroon ng reaksyong alerdyi sa medikasyong ACE inhibitor. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».