Eryc

Pfizer | Eryc (Medication)

Desc:

Ang Eryc/erythromycin ay kilala rin bilang antibayotikong macrolide. Ang gamot na ito ay ginagamit upang malunasan ang iba’t-ibang uri ng impeksyon tulad ng:itaas at ibabang bahagi ng impeksyon sa respiratory tract, impeksyon sa balat, “acute pelvic inflammatory disease,” “erythrasma, dulot ng iba’t-ibang uri ng bakterya. Ang antibayotikong ito at binibigyang lunas at pinipigilan ang mga impeksyon dala ng bakterya, at hindi nito magagamot ang mga impeksyon dala ng bayrus. Inumin ang gamot na ito nang walang laman ang tiyan, ayon sa sinabi ng doktor para sa iyong kundisyon. Ang tamang dosis ay batay sa iyong kundisyong medikal at tugon sa paggagamot. ...


Side Effect:

Ang kadalasang epekto ng Eryc ay pagduduwal, pagsusuka, pagkawala ng gana kumain, pagtatae, mahinang “heartburn” at pananakit ng tiyan. Kung ang mga nasabing epekto ay manatili o lumala, tawagan ang iyong doktor. Mas malalang epekto ng gamot ay mangangailangan ng agarang atensyong medikal. Kabilang na rito ang:reaksyong alerdyi tulad ng pamamantal, pangangati, hirap huminga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha,; kakaibang pagkapagod, madilin na kulay ng ihi, paninilaw ng mata o balat, panghihina ng kalamnan, problema sa pandinig, malubhang pagkahilo, pagkahimatay, mabilis at hindi regular na tibok ng puso, pangingisay o sisyur. ...


Precaution:

Ipaalam sa iyong doktor bago gumamit ng gamot na ito na ikaw may alerdyi sa gamot na ito o sa iba pang klase ng gamot o iba pang klase ng alerdyi. Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang pang gamot at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng anumang sumusunod na kundisyon:sakit sa bato, sakit sa atay, o myasthenia gravis. Di nirerekomenda ang paggamit ng gamot ng walang pagsangguni sa doktor kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».