Erythrityl tetranitrate - oral, sublingual
GlaxoSmithKline | Erythrityl tetranitrate - oral, sublingual (Medication)
Desc:
Ang medikasyong ito ay nagpaparelaks sa mga ugat, na nagpapabuti sa daloy ng dugo sa puso. Ang Erythrityl tetranitrate ay ginagamit upang pigilan ang sakit ng dibdib (anghina). Ito ay hindi para sa paggagamot ng atake ng anghina na nangyayari na. Inumin ng mayroong isang baso ng tubig sa tiyang walang laman, bago kumain. Lunukin ang kapsula o tableta ng buo (huwag dudurugin, ngunguyain, o bubuksan). ...
Side Effect:
Kung ikaw ay may mapansing hindi masyadong seryosong mga epektong ito, kausapin ang iyong doktor: pamumula ng mukha, mabilis na tibok ng puso, pagkahilo, malumanay na sakit ng ulo, pagduduwal. Tawagan kaagad ang iyong doktor kung ikaw ay may mapansing kahit ano sa mga epektong ito: malabong paningin, pagkakapos ng hininga o hirap huminga, pagkahimatay o matinding panghihina. Kung ikaw ay may mapansing ibang mga epekto na palagay mong sanhi ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor. ...
Precaution:
Ang pang-araw-araw na mga sakit ng ulo ay pwedeng mangahulugang gumagana ang gamot na ito. Huwag babaguhin ang iyong dosis upang iwasan ang pagkakaroon ng sakit ng ulo maliban nalang kung kinausap mo muna ang iyong doktor. Kung ikaw ay hindi umiinom ng tamang dosis, maaaring hindi umepekto ang gamot. Kausapin ang iyong doktor bago uminom kung ikaw ay mayroong anemya, glawkoma, mababang presyon ng dugo, o kamakailan lamang na atake sa puso, pinsala sa ulo, o atakeng serebral. Upang maiwasan ang pagkahilo mula sa gamot na ito, dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaupo o pagkakahiga. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...