Esimil

Novartis | Esimil (Medication)

Desc:

Ang Esimil/Guanethidine ay nagpapababa ng presyon ng dugo sa pamamagitan ng pagpapabawas ng antas ng mga uri ng kemikal sa dugo. Pinapabuti nito ang mga daluyan ng dugo (veins at arteries) upang makapahinga nang sa gayon ay ang iyong puso ay tumibok ng marahan at may kaluwagan. Ang Hydrochlorothiazide ay isang thiazide diuretic (tubig pildura). Ito ay tumutulong upang mapababa ang presyon ng dugo at mabawasan ang pamamanas (edema) sa pamamagitan ng pagtataas ng bilang ng asin at tubig na iyong nailalabas sa pag-ihi. Ang Guanethidine at hydrochlorothiazide ay ginagamit upang lunasan ang mataas na presyon ng dugo. Gamitin ang gamot sa pamamagitan ng pag-inom kasama ng pagkain o gatas ayon sa patnubay ng doktor. Subukang inumin sa magkakaparehong oras upang masanay. Huwag hihinto sa pag-inom ng gamot na ito nang walang paunang pag-sangguni sa iyong doktor. Mahalagang ipagpatuloy ang pag-inom ng gamot na ito kahit na umayos na ang pakiramdam. Karamihan ng mga taong may mataas na presyon ng dugo ay hindi nakakaranas ng karamdaman. ...


Side Effect:

Maaring makaramdam ng pagkahilo, pagka-antok, pananakit ng ulo, pagkawala sa sarili, pagtatae, hirap sa pagdumi, kawalan ng gana kumain, pagduduwal, pagkapagod o panghihina, sa mga unang araw ng pag-inom ng gamot dulot ng di sanay na katawan. Maaring magdulot ng panunuyo ng bibig, pagbara ng ilong, pagbigat ng timbang, pagiging sensitibo sa sikat ng araw, panginginig ng kalamnan, pagkakaron ng bangungot, pagbaba ng pagnanasang sekswal o abilidad dito at hirap sa pag-ihi. Ipaalam sa iyong doktor kung patuloy na makaranas ng mga nasabing epekto o kung ito ay labis nagiging abala. Ang gamot na ito ay nagpapadalas ng pag-ihi. Asahan ang epektong ito. Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay magkaroon ng:paninikip ng dibdib, mabilis na pulso, hirap sa paghinga, pagpapantal, depresyon, pagakakaron ng pagkakilabot sa paa o kamay, kakaibang panghihina, pananakit ng mga kasukasuan, pamumulikat ng kalamnan, kakaibang pagdurugo o pagpasa, paninilaw ng balat, labis na pananakit ng tiyan o pagsusuka. ...


Precaution:

Magmula sa pagkakaupo o pagkakahiga ay marahang tumayo. Ang Guanethidine at hydrochlorothiazide ay maaring magdulot sa iyo ng pagkahilo. Huwag biglaang ititigil ng pag-inom ng Guanethidine and hydrochlorothiazide. Kahit na uminam ang pakiramdam, kailangang uminom ng gamot na ito upang makontrol ang iyong kundisyon. Ang biglaang pagtigil sa pag-inom ay maaaring magdulot ng labis na pagtaas ng presyon ng dugo, pagkabalisa at iba pang mapanganib na epekto. Sabihin sa iyong doktor o dentista na ikaw ay umiinom ng gamot na ito bago gawin ang operasyon. Di nirerekomenda ang paggamit ng gamot ng walang pagsangguni sa doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».