Eskalith
GlaxoSmithKline | Eskalith (Medication)
Desc:
Ang Eskalith/lithium ay ginagamit upang malunasan ang tinatawag na “manic depressive disorder” (bipolar disorder). Ito nagpapanatili ng magandang kalooban o damdamin at binabawasan ang mga sukdulan sa paguugali sa pamamagitan ng pagbabalik ng balanse ng mga natural na sustansya (neurotransmitters) sa utak. Ang ibang benepisyo ng patuloy na paggamit ng gamot na ito ay ang pagbaba ng pag atake ng matinding pagbabago sa ugali at pagbabawas sa mga sintomas nito tulad ng pinagrabeng nararamdam sa sarili, pakiramdam na mayroong ibang tao na mananakit sa iyo, pagkayamot, pagkabalisa, mabilis at malakas na pagsasalita, at mapusok at mapoot na kaugalian. ...
Side Effect:
Marami sa mga “gastrointestinal” na epekto ng gamot (pagduduwal, pagbabago sa panlasa, pagtatae) ay kadalasang nawawala sa patuloy na terapi. Ang mgaito ay maaring maging madalang kung ang Eskalith ay gagamitin ng kalahating dosis na kasabay ng pagkain. Ang pinaka pangkaraniwang epekto ng gamot na ito ay ang panginginig ng mga kamay, panunuyo ng bibig, pagbabago sa panlasa, pagdagdag ng timbang, pagkauhaw, pagdalas umihi, katamtamang paduduwal o pagsusuka, pagkabaog, pagbaba ng libido, pagtatae at mga hindi normal ng mga bagay sa bato. ...
Precaution:
Ipaalam sa iyong doktor o parmasyutikaang iyong kasaysayang medikal bago gamitin ang gamot na ito, lalo na kung nagkaroon ng sakit sa puso, sakit sa bato, problema sa pag-igi (hal. hirap sa pag-ihi), “underactive thyroid” (hypothyroidism), pangingisay o seizure, “parkinson’s disease, “leukemia,” labis na kawalan ng tubig sa katawan, impeksyon na may kasamang lagnat, sakit sa balat (psoriasis). Ang gamot na ito ay maaaring magulot ng pagkahilo o pagkaantok o pagkalabo ng paningin. Huwag magmamaneho o gagamit ng mabibigat ng makinarya hanggat hindi sigurado na na ligtassa paggamit ng mga ito. Di nirerekomenda ang paggamit ng gamot ng walang pagsangguni sa doktor kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso. ...