Ester - C
Hospira | Ester - C (Medication)
Desc:
Ang Ester-C/ascorbic acid ay ginagamit upang malunasan at mapigilan ang kakulangan sa bitamina C. Karamihan ng mga taong kumakain ng normal na diyeta ay hindi nangangailangan ng higit pang bitamina C. Mababang antas ng bitamina C ay maaaring magdulot ng kundisyong tinatawag na “scurvy. ” Ang scurvy ay maaaring maging dahilan ng mga sintomas gaya ng pantal, panghihina ng kalamnan, pananakit ng mga kasukasuan, pagkahapo, o pagkabungi. Ang bitamina C ay may malaking ginagampanan para sa iyong katawan. Ito ay kinakailangan upang mapanatili ang magandang kutis, “cartilage,” ngipin, buto, at mga daluyan ng dugo. Ito rin ay ginagamit upang maprotektahan ang pagkasira ng mga selula ng katawan. Ito ay kinikilalang isang “anti-oxidant. Ang ascorbic acid (bitamina C) ay makukuhasa mga pagkain gaya ng prutas na sitrus, kamatis, patatas, at madahong gulay. Ang ascorbic acid ay mahalaga para iyong buto at “connective tissues,” kalamnan, at mga vessel ng dugo. Ang bitamina C ay tumutulong rin sa iyong katawan upang makakuha ng “iron,” kung saan kinakailang it para sa paggawa ng pulang dugong selula. ...
Side Effect:
May ilang epekto ang gamot na maaaring maranasan gaya ng:pagtatae, hirap sa pagdumi, pagduduwal, pagsusuka, pananakit ng sikmura o “heartburn. Agad ipaalam sa iyong doktor kung mararanasan ang mga sumusunod na mga madalang ngunit malubhang mga epekto:masakit na pag-ihi, pagkakaroon ng dugo sa ihi. Makakaranas ng madalang na pagkakaroon ng malubhang reaksyong alerdyi sa gamot na ito. Subalit humanap ng madaliang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng sintomas ng malubhang reaksyon sa alerdyi, kasama na ang:pamamantal, pangangati/pamamantal (lalo na sa mukha/dila/dila), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Huwag gagamiting ang gamot na ito kung ikaw ay nagkaroon na ng reaksyong alerdyi sa ascorbic acid. Tanungin sa iyong doktor o parmasyutika ukol sa paggamit ng ascorbic acid kung ikaw ay may sakit sa bato o may kasaysayan ng bato sa bato, sakit sa atay (lalo na ang sirosis), o kakulangan sa “enzyme” na tinatawag na “glucose-6-phosphate dehydrohenase deficiency” (G6PD). Ang ascorbic acid ay maaaring maging mapanganib sa iyong bato at maaari pang lumala kapag ang ascorbic acid ay ginamit kasama ng ibang gamot na maaari ring makasama sa bato. Bago gamitin ang ascorbic acid, isangguni sa iyong doktor kung ikaw ay sumasailalim sa kemoterapi, o gumagamit ng mga gamot upang malunasan ang sakit sa bituka o nag-gagamot upang malabanan ang pagtanggi ng nailipat na organ, antibayral na mga gamot, gamot sa mga kirot o atraytis, o iniksyong antibayotiko. Ikaw ay maaaring mangailangan ng hakbang upang maisaayos ang tamang dosis o natatanging pagsusuri habang gumagamit ng mga nasabing gamot kasama ang ascorbic acid. Di nirerekomenda ang paggamit ng gamot ng walang pagsangguni sa doktor kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso. ...