Estratab
Solvay | Estratab (Medication)
Desc:
Ang Estralab ay isang hormon sa mga babae. Ito ay ginagamit ng mga kababaihan upang tumulong upang mapababa ang mga sintomas ng menopos (gaya ng hot flashes, panunuyo ng ari). Ang ibang produktong estrodyen ay maaari din gaminitn ng kalalakihan at kababaihan upang bigyan lunas ang kanser (mga uri ng kanser sa prosteyt, kanser sa suso na kumalat na sa ibang bahagi ng katawan) at ng mga babaeng hindi nagkakaroon ng sapat na estrogen. Inumin ang gamot na ito meron o walang laman ang tiyan ayon sa utos ng iyong doktor. Maaaring inumin kasama ng pagkain o pagkatapos kumain upang maiwasan ang pagsakit ng tiyan. ...
Side Effect:
Ang gamot na ito ay madalang na maging dahilan ng mga malubhang suliranin sa pamumuo ng dugo (gaya ng atake sa puso, istrok, deep vein thrombosis, pulmonary embolism). Maaaring maranasan ang pananakit ng tiyan, pagduduwal/pagsusuka, pagkabundat, pagkirot ng suso, pananakit ng ulo, o pagbabago ng timbang. Kung ang mga nasabing mga epekto ay manatili o maging malubha, agad ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko. Agad humanap ng tulong medikal kung ikaw ay makaranas ng malubhang mga epekto tulad ng pananakit ng dibdib/panga/kaliwang braso, kakaibang pagpapawis, biglaan / sobrang pananakit ng ulo, panghihina ng isa bahagi ng katawan, pagkalito, pagkautal, biglaang pagbabago ng paningin. ...
Precaution:
Ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng pagbabalat at pangingitim ng mga bahagi ng balat sa mukha (melasma). Ang sikat ng araw ay maaaring makapagpalala ng mga epekto na ito. Iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw, mga tanning booths, at malalakas na ilaw. Gumamit ng sunscreen at magsuot ng mga damit laban sa sinag ng araw kung ikaw ay nasa labas. Huwag gumamit ng esterified estrogen ng walang pagkonsulta sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong sakit sa sirkulasyon, pagdurugo o pamumuo ng dugo; hindi nasusuring hindi normal na pagudurugo ng ari; o iba pang uri ng kanser sa suso, uterin o tinatawag na hormone-dependent na kanser. Bago gumamit ng esterified estrogen, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong mataas na presyon ng dugo, angina, sakit sa puso; mataas na antas ng kolesterol o triglycerides sa iyong dugo; sakit sa atay; sakit sa bato; hika, epilepsi; migraine; diyabetis; depresyon; sakit sa pantog; uterine fibroids; o nagkaroon ng hysterectomy (tinanggal ang matris. Hindi ipinapayo ang paggamit ng gamot na ito sa mga nagbubuntis o nagpapasuso ng walang payo ng iyong doktor. ...