Estratest
Solvay | Estratest (Medication)
Desc:
Ang Estratest ay isang kombinasyon ng 2 mga hormon, pambabaeng hormone (estrogen) at panlalaking hormone (methyltestosterone). Kung kailanganin mo ng paggagamot para lamang sa mga sintomas ng menopos sa ari ng babae, ang mga produktong direktang inilalagay sa loob ng ari ay dapat na ikonsidera bago ang mga medikasyong iniinom gamit ang bibig, sinisipsip sa balat, o tinuturok. Inumin ang medikasyong ito gamit ang bibig sa panahon ng regla, kadalasang isang beses sa loob ng 21 araw na sinundan ng walang medikasyon sa 7 araw, o ayon sa dinirekta ng iyong doktor. Maingat na sundin ang iskedyul ng dosis. Ang gamot na ito ay dapat na gamitin para sa pinakamaikling oras. Ang medikasyong ito ay maaaring inumin ng mayroon o walang pagkain. Maaari inumin mo ito ng may pagkain o agad pagkatapos kumain upang pigilan ang pag-iiba ng tiyan. ...
Side Effect:
Ang mga epekto ay maaaring may kasamang: sakit ng dibdib o mabigat na pakiramdam, sakit na kumakalat hanggang sa braso o balikat, pagduduwal, pamamawis, pangkabuuang masamang pakiramdam; matinding pamamnhid o panghihina, lalo na sa isang bahagi ng katawan; biglang sakit ng ulo, pagkalito, mga problema sa paningin, pananalita, o balanse. Ang pagkahilo, sakit ng ulo, pag-iiba ng tiyan, pamimintog, pagduduwal, mga pagbabago ng timbang, tumaas/bumabang interes sa pakikipagtalik, o panlalambot ng suso ay maaaring mangyari. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, abisuhan ng maagap ang iyong doktor. Sabihin sa iyong doktor kaagad kung lainman sa mga hindi malamang ngunit seryosong mga epekto ang mangyari: mga pagbabago sa kaisipan/kalooban (halimbawa, matinding depresyon, kawalan ng memorya), mga bukol sa suso, pamamaga ng mga kamay/paa, hindi karaniwang pagdurugo ng ari (halimbawa, pagbabatik-batik na dugo, biglang pagdurugo, tumatagal/nauulit ng pagdurugo), hindi pangkaraniwang diskarga/pangangati/amoy, pagbabago sa kulay ng balat, paninilaw ng mga mata/balat, hindi pangkaraniwang pagod, sakit ng tiyan, tumatagal na pagduduwal/pagsusuka, ihing madilim ang kulay, lumalalang mga seizure. Ang mga babae ay maaaring makaranas ng mga senyales ng pagkabinata (mga katangian ng lalak) mula sa methyltestosterone. Upang pigilan ang mga pagbabagong ito mula sa pagiging permanente, ihinto ang paggamit ng medikasyong ito at sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga sumusunod na ito ang mangyari: pamamaos, panlalalim ng boses, pagtubo ng buhok sa mukha, bago o lumalalang akne, lumaking clitoris, mga pagbabago sa regla. Ang medikayong ito ay maaaring madalang na magsanihi ng mga seryosong problema tulad ng mga atake sa puso, atakeng serebral, at pmumuo ng dugo. humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinman sa mga sumusunod: sakit ng dibdib, sakit ng panga/kaliwang braso, biglang matinding sakit ng ulo, panghihina sa isang bahagi ng katawan, pagkalito, putol-putol na pananalita, biglang pagbabago sa paningin (halimbawa, dobleng paningin, kawalan ng paningin), sakit/pamumula/pamamaga ng mga binti, hirap sa paghina, pag-ubo ng dugo, biglang pagkahilo/pagkahimatay. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong alerhiya, o kung ikaw ay mayroong ilang mga kondisyong medikal, tulad ng: pagdurugo ng ari ng babae ng hindi alam na sanhi, ilang mga kanser (halimbawa, kanser sa suso, kanser sa matris o mga obaryo), kasalukuyan/kasaysayan ng pamumuo ng dugo, kasaysayan ng mga atakeng serebral o atake sa puso, mga problema sa atay. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...