Estropipate

Pharmacia Limited | Estropipate (Medication)

Desc:

Ang Estropipate ay isang anyo ng estrogen na ginagamit upang malunasan ang sintomas ng menopos gaya ng biglaang init ng pakiramdam o “hot flashes”; biglaang pakiramdam ng sobrang init at pagpapawis at panunuyo ng ari, pangangati, at pagkapaso. Ang Estropipate ay ginagamit din bilang pagpigil sa osteoporosis sa kababaihan na nakararanas o nakaranas ng menopos. ...


Side Effect:

Ang Estropipate ay maaaring magdult ng pagduduwal, pagsusuka, pagkawala ng gana kumain; pamamaga ng dibdib; akne o pagbabago ng kulay ng balat; pagbaba ng libido, pagkabaog, hirap magkaroon ng orgasam; pananakit ng ulo o migrainge o pagkahilo; pananakit ng ari, panunuyo, o pagkabalisa; pamamaga ng bukong-bukong o paa; depresyon; pagbabago sa oras ng regla, pagdurugo sa ari o “breakthrough bleeding. ”Tawagan ang iyong doktor kung ang mga nasabing mga epekto ay magpatuloy o lumala. Ang mga malubhang mga reaksyon sa gamot ay ang mga sumusunod:alerdyi; pananakit ng dibdib o mabigat na pakiramdam, kirot na gumagapang sa braso o balikat, pagduduwal, pagpapawis ng labis, pagkabagot; biglaang pamamanhid o panghihina, lalo na sa isang bahagi ng katawan; biglaang matinding pananakit ng ulo, pagkalito, problema sa paningin, pagsasalita, o balanse; pananakit o pamamaga ng ibabang bahagi ng binti; hindi normal na pagdurugo ng ari; pananakit, pamamaga ng tiyan; paninilaw; o bukol sa dibdib. ...


Precaution:

Bago gumamit ng gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay may alerdyi. Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kundisyon:pagdurugo o pamumuo ng dugo; nakaranas ng stroke o problema sa sirkulasyon; hindi normal na pagdurugo ng ari na hindi naisasangguni sa doktor; anumang uri ng kanser sa suso, matres o “hormone-dependent na kanser;mataas na presyon ng dugo, angina, o sakit sa puso; mataas na kolesterol o triglycerides; sakit sa bato o atay; hika; epilepsi o iba pang sakit na nangingisay; migraine; diyabetis; depresyon; sakit sa apdo; o “hysterectomy”. Di nirerekomenda ang paggamit ng gamot ng walang pagsangguni sa doktor kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».