Estrostep Fe
Warner Chilcott | Estrostep Fe (Medication)
Desc:
Ang Estrostep Fe/ethinyl estradiol at norethindrone ay isang kombinasyong gamot na may lamang mga hormong pambabae na pinipigilan ang obulasyon (paglabas ng itlog mula sa obaryo). Ang medikasyong ito ay nagsasanhi rin ng mga pagbabago sa mukosa ng kwelyo ng matris at lining ng matris, ginagawang mas mahirap para sa tamod na makarating sa matris at mas mahirap na mahinog ang itlog na nakalagay sa matris. Ang Ethinyl estradiol at norethindrone ay ginagamit bilang kontrasepsyon upang pigilan ang pagbubuntis. Kung ang hinog na itlog ay hindi kumabit sa matris, lumalabas ito sa katawan. Mayroong kaunting iron (ferroys fumarate) sa bawat 7 mga hindi aktibong tabletang iniinom tuwing ikaapat na linggo. (Ang mga hindi aktibong tableta ay walang lamang kahit anong hormon). Ang mga tabletang ito ay para panatilihin ka sa gawi ng pag-inom ng 1 tableta kada araw at walang sapat na iron upang gamutin ang kakulangan ng iron. Bukod sa pagpipigil sa pagbubuntis, ang mga tableta na pangontra sa pagpaparami ay naipakitang tumutulong na gawing regular ang iyong regla, bawasan ang kawalan ng dugo at masakit na mga regla (dysmenorrhea), at bawasan ang mga bukol sa obaryo. Ang paggamit ng medikasyong ito ay hindi ka pinuprotektahan o ang iyong kapareha laban sa mga sakit na naipapasang pansekswal. ...
Side Effect:
Mayroong ilang mga epekto na maaaring mangyari sa paggamit ng gamot na ito tulad ng: pagduduwal, pagsusuka, sakit ng ulo, pamimilipit ng sikmura/pamimintog, pagkahilo, hindi kaginhawan/iritasyon ng ari ng babae, dumaming likido sa ari ng babae, o panlalambot/paglaki ng suso. Ang akne ay maaaring mapabuti o lumala. Ang pagdurugo ng ari ng babae sa pagitan ng regla (spotting) o nalaktawan/iregular na mga regla ay maaring mangyari, lalo na sa unang ilang mga buwan ng paggamit. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, abisuhan ang iyong doktor ng maagap. Kung ikaw ay may malaktawang 2 mga regla ng magkasunod (o isang regla kung ang gamot ay hindi maayos na ginamit), kontakin ang iyong doktor para sa pagbubuntis na eksam. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga seryosong epekto ang mangyari: mga pagbabago sa pagdurugo ng ari (halimbawa, patuloy na spotting, biglang mabigat na pagdurugo, nalaktawang regla), mga problema sa pagsusuot ng mga lenteng kontak, mga maitim na pitsa sa balat (melasma), hindi mga gustong buhok sa mukha/katawan, pamamaga ng mga bukong-bukong/paa, mga pagbabago sa timbang (bumigat o gumaan). Ang medikasyong ito ay madalang na nagsasanhi ng mga seryosong (minsang nakamamatay) problema mula sa pamumuo ng dugo (halimbawa, embolismo ng baga, atakeng serebral, atake sa puso). Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng: biglang pagkakapos ng hininga, sakit ng dibdib/panga/kaliwang braso, mga sakit ng ulo na iba mula sa iyong mga naranasan sa nakaraan (halimbawa, mga sakit ng ulong may kasamang ibang mga sintomas tulad ng pagbabago sa paningin/kawalan ng koordinasyon, umiiral na mga sakit ng ulong lumalala, bigla/napakatinding matinding mga sakit ng ulo), paputol-putol na pananalita, panghihina sa isang bahagi ng katawan, mga problema/pagbabago sa paningin. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga madalang ngunit napakaseryosong epektong ito ang mangyari: mga bukol sa suso, matinding sa kti ng tiyan/balakang, mga pagbabago sa kaisipan/kalooban (halimbawa, depresyon, mga kaisipang pagpapakamatay, tumatagal na hirap sa pagtulog), hindi pangkaraniwang pagod, ihing madilim ang kulay, paninilaw ng mga mata/balat. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong ilang mga kondisyong medikal tulad ng: isang kasaysayan ng atakeng serebral o pamumuo ng dugo (halimbawa, sa mga binti, mata, baga), matinding altapresyon, abnormal na eksam ng suso, kanser (lalo ng kanser na endometriyal o suso), dyabetis na sanhi ng mga sakit sa bato/mata/nerb/ugat, matinding mga sakit ng ulo, kasaysayan ng sakit sa puso (halimbawa, atake sa puso, sakit ng dibdib), sakit sa balbula ng puso, mga problema sa atay (halimbawa, tumor sa atay, aktibong sakit sa atay), kasalukuyan o sinuspetsahang pagbubuntis, kamakailan lamang na malaking operasyon, matagal na panahong pagkakaupo o pagkakahiga (halimbawa, hindi pagkakagalaw tulad ng pagkakaratay), kasaysayan ng paninilaw ng mga mata/balat (paninilaw) habang nagbubuntis o habang gumagamit ng mga tabletang pangontrol sa pagpaparami, mga hindi maipaliwanag na sa pagdurugo ng ari ng babae, talamak na paggamit ng tabako (lalo na sa 35 taon o pataas). Bago gamitin ang produktong ito, sabihin sa iyong doktor ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: altapresyon, mataas na mga lebel ng kolesterol o triglyceride (taba sa dugo), depresyon, dyabetis, pamamaga (edema), mga problema sa pantog, sakit sa bato, migraine, sobrang timbang, iregular/nalaktawan/sobrang kaunting regla, kamakailan lamang na pagbubuntis, mga problema sa teroydeo. Huwag maninigarilyo o gagamit ng tabako. Ang hormonal na pangontrol sa pag-aanak (halimbawa, mga tableta, panturok, mga aparato) na sinamahan ng paninigarilyo ay talagang magpapataas sa iyong panganib para sa atakeng serebral, pamumuo ng dugo, altapresyon, at mga atake sa puso, lalo sa mga babaeng may edad na higit sa 35 taon. Kung ikaw ay mayroong dyabetis, ang medikasyong ito ay maaaring magpahirap sa iyo upang kontrolin ang iyong mga lebel ng asukal sa dugo. Imonitor ng regular ang iyong asukal sa dugo ayon sa dinirekta ng iyong doktor. Sabihin sa iyong doktor ang mga resulta at kahit anong sintomas tulad ng sobrang pagkauhaw/[ag-ihi. Ang iyong medikasyong pangontra dyabetis o diyeta ay maaaring kailanganing ayusi. Abisuhan ang iyong doktor bago sumailalim sa operasyon o maratay sa bangko/higaan sa matagal na panahon (halimbawa, byahe sa eroplano). Maaaring kailanganin mong ihinto ang medikasyon o gumamit ng mga espesyal nap ag-iinagt. Ang medikasyong ito ay maaaring magsanhi ng maiitim na bahagi sa iyong balat (melasma). Maaaring palalain ito ng araw. Iwasan ang matagal na pagkakababad sa araw, mga pangungulting kubol, at ilaw na araw. Gumamit ng sunscreen at magsuot ng protektibong damit kapag nasa labas. Kung ikaw ay nearsighted o nagsusuot ng mga lenteng kontak, maaaring magkaroon ka ng mga problema o hirap sa pagsuot ng iyong mga lenteng kontak. Ang medikasyong ito ay hindi dapat gamitin habang nagbubuntis. Kung ikaw ay maging buntis o palagay mo ikaw ay maaaring mabuntis, sabihin agad sa iyong doktor. ...