Etanercept Injection
Wyeth | Etanercept Injection (Medication)
Desc:
Ang Etanercept ay nagpapababa ng isang protina na ginagawa ng immune system. Ang immune system ay tumutulong upang labanan ang impeksyon sa katawan. Sa mga taong may mga sakit sa autoimmune, ang immune system ay napagkakamalang ang sariling selula ng katawan ay masama at umaatake dito. Ang Etanercept ay ginagamit upang lunasan ang mga sintomas ng rheumatoid atraytis, psoriatic artraytis, o ankylosing spondylitis, at upang pigilan ang pinsala sa mga kasukasuan dulot ng nasabing mga kundisyon. Ang gamot na ito ay ginagamit din upang lunasan ang plaque psoriasis sa mga matatanda at palyarticular juvenile idiopathic atraytis sa mga bata na may edad n 2 taon. ...
Side Effect:
Ang Etanercept ay maaaring magpataas ng panganib na magkaroon ng mga impeksyon kabilang na ang malubhang kundisyon nito. Huwag mong gagamitin ang gamot na ito kung ikaw ay mayroon nang impeksyon (kahit na impeksyon sa balat). Sa madalang na mga pagkakataon, ang etanercept ay nabalitang nagiging dahilan ng mga problema sa sistema ng ugat, kasama na ang multiple sclerosis (MS), sisyur, epilepsi, at iba pang mga kundisyon o sakit. Ang gamot na ito ay maaring magpalala ng mga nasabing mga kundisyon. Kausapin ang iyong tagapagbigay serbisyong pangkalusugan bago gumamit ng etanercept kung ikaw ay mag MS, sisyur, o anumang kundisyon sa iyong sistema ng mga ugat. Sa mga madalang na pagkakataon, ang etanercept ay nagigigngsanhi ng mababang bilang ng dugo (kasama na ang “aplastic anemia”) na maaring maging mapanganib. Ipaalam sa iyong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusuganukol sa anumang kakaibang pagpapasa, pagdurugo, o pamumutla habang gumagamit ng gamot na ito. Ang etanercept ay maaring magpataas ng panganib na magkaroon ng “lymphoma (isang uri ng kanser). Ang etanercept ay maaring maging dahilan upang magkaroon ng mga impeksyon (tulad ng hepataytis B o tuberkulosis) na sa una ay hindi aktibo sa iyong katawan at sa kalaunan ay maaring muling maging aktibo . Sabihin sa iyong tagapagbigay ng serbisyong pagkalusugankung ikaw ay mayroong hepataytis B o tuberkulosis bago magsimulang gumamit ng gamot na ito. Mga reaksyong alerdyi ay maaring maranasan sa etanercept. Ang mga reaksyong ito ay maaaring ang mga sumusunod:pamamantal; pamamaga; pangangatie; paghuni sa paghinga o hirap sa paghinga; kakaibang pamamanas. ...
Precaution:
Bago gumamit ng etanercept, ipaalam sa iyong doktor o parmasyutika kung ikaw ay mayroon ng anumang uri ng alerdyi. Kung ikaw ay gagamit ng isang prefilled na hiringgilya o isang aparato na kusang nag-iiniksyon, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw o ang taong mag iiniksyon ng gamot para sa yo ay may alerdyi sa goma o “latex”. Ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw ay gumagamit o nagtatangkang gumamit ng anumang gamot na nirerereseta at di mga di nangangailangan ng reseta na mga gamot, bitamina, pandagdag nutrisyon (natural supplements), at mga produktong erbal. SIguraduhing maipaalam kung ikaw ay gumagamit ng gamot para sa diyabetis, at cyclophosphamide (Cytoxan). Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng sisyur; sakit na maaring makaapekto sa iyong sistema ng mga ugat, tulad ng “multiple sclerosis (MS; pagkawala ng koordinasyon, panghihina, at pagkamanhid dulot ng sira sa ugat o nerve); “transverse myelitis (pamamaga ng ispaynal kord na maaring maging sanhi ng di normal na mga pakiramdam, o pagkawala ng kakayanang igalaw ang ibabang bahagi ng iyong katawan); “optice neuritis (pamamaga ng ugat na nagdadala ng mensahe mula sa mata patungo sa utak); suliranin sa pagdurugo; sakit sa atay, o pagkasira ng puso. Di nirerekomenda ang paggamit ng gamot ng walang pagsangguni sa doktor kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso. ...