Ethacrynic acid - oral
Unknown / Multiple | Ethacrynic acid - oral (Medication)
Desc:
Ang Ethacrynic acid ay isang tabletang tubig (diyuretiko) na nagpapadami sa iyong ihi. Ito ay tumutulong sa iyong katawan upang alisin ang ekstrang tubig. Ang medikasyong ito ay nagbabawas sa pamamaga/retensyon ng tubig (edema) na sanhi ng mga kondisyong tulad ng kanser, kondyestib na pagpapalya ng puso, sakit sa atay, at sakit sa bato. Ang epektong ito ay pwedeng tumulong sa pagpapabuti ng mga sintomas tulad ng hirap sa paghinga at pamamaga ng tiyan (ascites) at pabutihin ang paggawa ng bato. Ang medikasyong ito ay hindi dapat na gamitin sa mga sanggol. ...
Side Effect:
Ang gamot na ito ay isang matinding tabletang tubig (diyuretiko). Ang paggamit ng sobrang gamot ay pwedeng magsanhi ng seryosong kawalan ng tubig at mineral (dehaydrasyon). Sabihin agad sa iyong doktor kung iakw ay mayroong hindi malamang ngunit seryosong mga sintomas ng dehaydrasyon: kawalan ng ganang kumain, pagkalito, matinding pagkalito/pagkahimatay, hindi karaniwang tuyong bibig/uhaw, matinding sakit ng ulo, mabilis/iregular na tibok ng puso, mga pulikat ng kalamnan, pagduduwal/pagsusuka, pamamanhid/pagtusok-tusok, seizure, kumaunting ihi, hindi karaniwang panghihina/pagod. Sabihin kaagad sa iyong doktor kung alinman sa mga madalang ngunit napakaseryosong epekto ang mangyari: madaling pagpapasa/pagsurugo, itim/madugong mga dumi, matinding matubig na pagtatae, mga senyales ng inpeksyon (halimbawa, lagnat, tumatagal na pamamaga ng lalamunan), pagtunog ng tainga, pakiramdam ng pag-ikot (vertigo), kawalan ng pandinig, mga pagbabago sa kaisipan/kalooban (halimbawa, matinding pagkaantok), sakit/pamumula/bagong pamamaga ng mga braso/binti, sakit ng tiyan, malaking pagbabago sa dami ng ihi, ihing madilim ang kulay, sukang parang kapeng durog, paninilaw ng mga mata/balat. Humingi ng agarang atensyong medikal kung alinman sa mga madalang ngunit napakaseryosong epekto ang mangyari: sakit ng dibdib, panghihina sa isang bahagi ng katawan, putol-putol na pananalita, mga pagbabago sa paningin. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang medikasyong ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng mga alerhiya. Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: mga pamumuo ng dugo (halimbawa, sa mga baga, binti), dyabetis, gota, sakit sa bato, sakit sa atay (lalo ng sirosis o ensepalopatiya), peptic ulser na sakit, atakeng serebral. Ang gamot na ito ay maaaring gawin kang nahihilo o naantok. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap o malinaw na paningin hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Limitahan ng pag-inom ng alak. Sunding mabuti ang diyetang pinreskriba ng iyong doktor. Huwag babaguhin ang paggamit ng asin ng hindi muna kinakausap ang iyong doktor. Ang suplementong potasa ay maaaring ipreskriba ng iyong doktor. Bago magkaroon ng operasyon, sabihin sa iyong doktor o dentista na ikaw ay gumagamit ng gamot na ito. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...