Ethinyl Estradiol - Cyproterone - Oral
Teva Pharmaceutical Industries | Ethinyl Estradiol - Cyproterone - Oral (Medication)
Desc:
Ang kombinasyon ng cyproterone and ethinyl estradiol ay ginagamit upang gamutin ang iilang mga uri ng akne sa mga babae at upang gamutin ang mga babaeng may katamtamang matinding kondisyong kilala bilang hirsutism, isang panlalaking pagtubo ng buhok. Ang cyproterone ay isang antiandrogen. Ang ethinyl estradiol ay isang estrogen at magkasamang gumagawa sa pamamagitan ng pag-aayos sa mga hormon na nakakaapekto sa balat. Inumin ang medikasyong ito gamit ang bibig, isang beses sa isang araw, sa parehong oras araw-araw, ayon sa dinirekta ng iyong doktor. Sundin ang instruksyong nasa pabalat para sa tamang paggamit. ...
Side Effect:
Katulad ng kahit anong gamot, ang mga epekto ay pwedeng mangyari. Ang mga ito ay may kasamang: pagbabago sa regla, panreglang spotting o biglang pagdurugo; sakit ng ulo; pag-iiba ng tiyan; pagduduwal at pagsusuka; panlalambot ng suso; pagbabago sa timbang; bumabang pansekswal na drayb; depres na kalooban; retensyon ng tubig; candidiasis; iregular na kayumangging pitsa sa balat, kadalasan sa mukha; pagpapatarik sa corneal curvature na pwedeng gawing hindi komportable ang lenteng kontak; pagtaas ng presyon ng dugo; gambala sa paggawa ng atay; mga bato sa apdo; pamumuo ng dugo sa mga ugat tulad ng DVT, embolismo ng baga, atake sa puso, o atakeng serebral. Kung ikaw ay may mapansing alinman sa mga ito, o kahit anong ibang hindi pangkaraniwang sintomas na tumatagal o lumalala, humingi ng agarang tulong medikal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit ng ulong migraine, mga pamumuo ng dugo, mga atakeng serebral, sakit sa mata, altapresyon, dyabetis, sobrang timbang, hika, mataas na kolesterol, mga seizure, mga problema sa puso, mga problema sa bato, mga problema sa atay, kanser, abnormal na pagdurugo ng ari ng babae, vaginal fibroids, pampamilayang kasaysayan ng kanser, lupus (SLE) o rayuma, mga karamdaman sa kalooban. Iwasan ang pagkababad sa araw at ilaw na araw at magsuor ng mga protektibong damit at suncream kapag nasa labas. Huwag gagamitin ang gamot na ito kung ikaw ay buntis, kung ikaw ay mabuntis habang gumagamit nito, sabihin agad sa iyong doktor. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...