Etidronate

Warner Chilcott | Etidronate (Medication)

Desc:

Ang Etidronate ay kabilang sa mga klase ng mga gamot na tinatawag na bisphosphonates na ginagamit sa paggagamot ng osteyoporosis (pagbaba ng densidad ng mga buto na nagdudulot ng pagkabali) at pananakit ng mga buto mula sa mga sakit tulad ng kumalat na kanser sa suso, multipol mayeloma, at sakit na Paget. Ang Bisphosphonates ay nagpapalakas ng buto sa pamamagitan ng pagpigil na matanggal ang mga buto ng osteoclasts. Pagkatapos ng menopos ay nagkakaroon ng malaking pagbawas o pagkawala ng buto na nagiging osteyoporosis, at ang etidronate ay napakitang nagpapataas ng densidad ng buto at iniiwasan ang pagkabali ng mga buto. ...


Side Effect:

Ang mga karaniwang epekto ng eidronate ay ang pananakit ng tiyan, pagduduwal, pagsusuka, pagkabundat, hirap sa pagdumi, pagtatae, pamamantal, paglagas ng buhok at pananakit ng kalamanan o kasukasuan. Pagduduwal, pagtatae, pagkahilo, pananakit ng ulo, pananakit ng mga buto o pamumulikat ng mga binti ay maaring maranasan sa mga unang araw sapagkat ang iyong katawan ay umaayon sa gamot. Kung ang mga nasabing epekto ay manatili o maging malubha, agad ipaalam sa iyong doktor. Maaring madalang ngunit agad ipagbigay alam kung mayroon ng mga sumusunod: lagnat, panginginig, paulit-ulit na pamamaga ng lalamunan, madaling pagsusugat/pagdurugo. Kung sakaling magkayoon ng readsyong alerdyi sa gamot na ito, humanap ng agarang atensyong medikal. Mga sintomas ng reaksyong alerdyi tulad ng pamamantal, pangangati, pamamaga, matinding pagkahilo, pagkahimatay, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Ipaalam sa iyong doktor ang iyong kasaysayang medikal tulad ng alerdyi, problema sa bato, ulcer (peptic ulcer), iba pang problema sa buto (osteomalacia). Pag-iingat ay pinapayo habang ginagamit ang gamot na ito ng matatanda sapagkat sila ay maaaring higit na sensitibo sa mga epekto ng gamot. Hindi pinapayo ang paggamit ng gamot na ito kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso nang walang pagsangguni sa iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».