Breast Discharge
Dibdib | Hinekolohiya | Breast Discharge (Symptom)
Paglalarawan
Ang breast discharge ay isang kusang paglabas ng likido mula sa utong sa anumang panahon maliban sa panahon ng pagpapasuso.
Isang matubig at mala-gatas na discharge sa mga babaeng hindi nagbubuntis o nagpapasuso ay tinatawag na galactorrhoea.
Mga Sanhi
Ang mga pangunahing dahilan ng mga discharge ay pagbabago sa mga hormon, impeksiyom sa loob ng suso, o, mas madalang, isang tumor sa suso. Kahit na itinuturing itong normal sa maraming pagkakataon ito ang ikatlong pangunahing dahilan kung bakit ang mga kababaihan ay nagpapasuri ng suso, matapos ang mga bukol at pananakit ng suso. Ito ay nangyayari din sa mga nagbibinatang kalalakihan at sa mga babaeng dumadaan sa pubesensiya. Ang discharge ay kadalasang dahil sa stimulasiyon ng mga suso o sa iritasyon sa damit.
Ang Galactorrhoea ay karaniwang dahil sa sobrang paggawa ng prolactin mula sa pituitary gland. Ang ilang gamot, kabilang ang ilang antipsychotics, ay maaaring magdulot ng galactorrhoea bilang isang side effect. Ang matubig na discharge mula sa utong ay maaaring maiugnay sa isang cancerous na tumor sa suso. Ang discharge na may dugo mula sa utong ay maaaring isang sintomas ng kanser. Sa kaso ng mga babaeng nagpapasuso, ang mga baradong daluyan ng gatas ay maaaring maging infected at bumuo ng mga discharge na nana mula sa mga utong.
Pagsusuri at Paggamot
Kabilang sa imbestigasyon ang pisikal na pagsusuri sa mga suso, pagkuha ng sample ng discharge para masuri para sa ebidensiya ng impeksiyon o ng mga selyulang cancerous, ang X-rays ng mga suso at ang ultrasound scanning ay maaaring gawin. Ang isang sample ng dugo ay maaaring kunin upang masukat at mga lebel ng hormon. ...