Nipple Discharge
Dibdib | - Iba | Nipple Discharge (Symptom)
Paglalarawan
Ang nipple discharge ay anumang likido na lumalabas mula sa utong ng suso, tinatawag ring kusang paglabas ng likido mula sa utomg sa anumang oras maliban sa oras ng pagpapasuro. Ang breast discharge ay maaaring dahil sa maraming karamdaman, kabilang ang kanser.
Maraming iba't ibang uri ang mga discharges. Ilan sa mga asosasyon nito ay: (1) medyo malabong kulay puti - ang pinakakaraniwan at maaaring galactorrhea; (2) Malinaw o maliwanag ng puti - pagbubuntis; (3) pula - mas kasamang dugo - kadalasang dahil sa impeksiyon sa suso o intraductal papillomas, ngunit maaari ding maging kanser sa suso; (4) mapusyaw na dilaw, dilaw, o berde - nana dahil sa impeksiyon.
Mga Sanhi
Ang pangunahing sanhi ng breast discharge ay: mga medikasiyon tulad ng mga antidepressants, mga iritasyon o stimulasyon sa suso, duct ectasia (paglaki, pamamaga, at paninigas ng mga padaluyan ng gatas dahil sa edad o pinsala), pagbubuntis, intraductal papilloma (isang maliit at hindi cancerous ng pamumuo sa loob ng mga padaluyan ng gatas, tulad ng isang kulugo, na kadalasa'y matatagpuan malapit sa utong) o kapansanan sa thyroid.
Maaaring kabilang sa ibang hindi gaanong karaniwang sanhi ng breast discharge ang: abseso (kadalasang subareolar), prolactinoma, kanser sa suso, mga paghahandang yerbal, mga droga sa tabi-tabi, trauma sa suso at kidney failure/karamdamang renal.
Bilang sintomas para sa breast discharge, ang isa o dalawang suso ay maaaring magkaroon ng nipple discharge, maaaring kusa o kung ang mga utong o suso ay napiga. Ang nipple discharge ay maaaring mala-gatas, o maaaring dilaw, berde, mala-kape o madugo. Ang mga hindi gatas na discharge ay lumalabas sa mga suso sa pamamagitan ng parehong daanan na naglalabas ng gatas. Ang kaugmahan ng mga nipple discharge ay nag-iiba mula sa makapal, at madikit tungo sa manipis at malabnaw. ...