Mga Bukol sa Dibdib
Dibdib | Hinekolohiya | Mga Bukol sa Dibdib (Symptom)
Paglalarawan
Ang mga bukol sa dibdib ay nakikilala sa mga pamamaga na iba ang pakiramdam mula sa mga karaniwang nakapalibot sa tisyu ng dibdib, anumang pamumuo o kisto na mararamdam sa tisyu ng dibdib. Ito ay isang sintomas o senyales ng maraming mga kondisyon.
Tinatayang nasa 10% ng mga bukol sa dibdib ay nauuwi sa diagnosis ng kanser sa dibdib, kaya't importante sa mga kababaihang may bukol sa dibdib na magkaroon ng nararapat na pagsusuri. Unang nakilala bilang karadamang fibrocystic o fibroadenosis, ito ay itinuturing na pagkakaiba ng karaniwan. Ang dibdib na maraming bukol ay hindi nagpapataas ng panganib na magkaroon ng kanser sa dibdib. Ngunit, alinmang bago, kakaiba o nakahiwalay na bukol ay nararapat na masuri ng isang doktor.
Para isang bata pang babae, ang isang nagiisang bukol ay maaaring isang fibroadenoma. Ang hindi cancerous at kadalasa'y pabilog, matigas at malagoma, hindi nagdudulot ng sakit, at maaaring magalaw sa ilalim ng balat gamit ang mga daliri. Para sa mas may edad na babae, ang bukol ay maaaring hindi cancerous, puno ng tubig na kisto sa dibdib. Kabilang sa mga uri ng ma bukol sa dibdib ay mga kisto at mga bukol na dulot ng pamumuo ng nana, mga paglago (adenoma) at mga matatabang bukol.
Mga Sanhi
Maraming dahilan ng mga bukol sa dibdib. Ang ilan sa mga dahilang ito ay hindi nakakasama, samantalang ang iba ay maaaring masakit at/o delikado. Kabilang sa mga dahilan ng mga bukol sa dibdib ang mga impeksiyon, pinsala, at mga hindi cancerous na paglago, at kanser.
Pagsusuri at Paggamot
Ang mga bukol sa dibdib ay kadalasang nadidiskubre sa pamamagitan ng pansariling-pagsusuri o tuwing regular na check-up at ang paggamot ay nagbabago depende sa uri ng bukol. Ang karaniwang mga kisto sa dibdib at mga pamumuo ng nana ay nangangailangan ng drainage bilang kagamutan, habang ang mga kistong sebaceous at mga matabang bukol ay pinakanalulunasan gamit ang pagtanggal sa pamamagitan ng operasyon. ...