Pananakit ng Suso
Dibdib | Hinekolohiya | Pananakit ng Suso (Symptom)
Paglalarawan
Ang mastodynia, mastalgia o mammalgia ay mga pangalan na itinatawag sa sintomas na medikal na nangangahulugang pananakit ng dibdib. Kirot o kalawang ginhawa na nakakaapekto sa isa o parehong suso ay madalas na nararanasan kapag malapit na ang regla, ngunit maaaring may iba pang dahilan.
Mga Sanhi
Maraming mga babae ang nakakaranas ng mahinay at buwanang kirot kasabay ng kanilang regla (menses). Ang pananakit ng suso bago ang regla ay tinatawag na siklikong kawalang-ginhawa sa suso. Para sa ibang mga kababaihan, ang kirot sa suso ay hindi kaugnay ng regla. Isang dahilan ng hindi siklikong pananakit ng suso ay pagkakabanat ng kalamnan. Kabilang sa mas madalang na sanhi ng pananakit ng suso ang benignong pamumuo (mga tumor) sa mga suso (kabilang na ang mga kisto), kanser sa suso at ilang mga medikasyon.
Dapat na tandaan na ang mga kanser sa suso ay kadalasang hindi makirot at maaaring matuklasan sa pamamagitan ng pagsusuring manwal, mammogram, o ultrasound ng suso. Kabilang sa iba pang sanhi ng hindi siklikong pananakit ng dibdib ang pag-inom ng alak na may pinsala sa atay, maaaring dahil sa hindi normal na metabolismong steriod, mastitis at mga medikasyon tulad ng mga gamot na antihypertensive, spironolactone, at ilang mga diuretiko. Ang mga shingle ay maaari ding magdulot ng naglilintos ng mga pantal sa balat ng mga suso.
Pagsusuri at Paggamot
Ang mahinay at siklikong pagkirot ay hindi karaniwang nangangailangan ng paggamot. Sa may hindi siklikong pananakit ng suso, ang kirot ay gagamutin kung kailangan. Ang mga kisto ay kadalasan na paaagusin at ang mga antibiotiko ay maaaring gamitin upang gamutin ang impeksiyon. Ang mga gamot na non-steroidal na pangpahupa ng pamamaga ay maaari ding gamitin upang ibsan ang pananakit ng kalamnan. ...