Mga Kukong Madaling Mabasag
Mga kamay | Dermatolohiya | Mga Kukong Madaling Mabasag (Symptom)
Paglalarawan
Ang isang madaling mabasag na kuko, na kilala rin bilang Onychorrhexis, ay ang pagdupok at pagkabasag ng mga kuko sa daliri at paa na maaaring kadahilanan ang labis na paggamit ng sabon at tubig o iba pa. Maaaring makaapekto sa hugis o pagkakayari ng mga kuko ang iba pang mga kondisyong medikal.
Mga Sanhi
Ang pagdupok ng mga kuko, nangangahulugan na ang mga kuko ay madaling mabasag o matadtad, ito ay maaaring obserbahan bilang isang senyales ng pagtanda o bilang tugon sa pangmatagalang paggamit ng polish ng kuko o pagkakalantad sa mamasa-masang kondisyon kabilang ang madalas na paglangoy o paghuhugas ng pinggan.
Naiugnay din sa mga pagbabago sa mga kuko ang ilan sa mga sakit, na maaaring samahan ng pagkadupok: hypothyroidism, anemia, anorexia nervosa o bulimia, o pagkatapos ng oral retinoid na terapewtika. Maaari ding sanhi ng isang napapailalim na kondisyong medikal ang pagkakadupok ng kuko, tulad ng Raynauds disease, mababang pag-andar ng teroydeo (hypothyroidism), o mga kondisyon sa baga.
Ang mga sakit sa balat tulad ng soryasis, lichen planus, alopecia areata pati na rin ang mga endocrine disorder, tuberculosis, Sjogrens syndrome, at malnutrisyon ay kabilang sa mga posibleng mga kadahilanan. Maaari ding maging sanhi ng madaling pagkabasag ng mga kuko ang pagkalason ng silinyum. Ang hindi magandang nutrisyon ay maaari ding maging isa sa mga dahilan ng ganitong sitwasyon. Ang pinakamabisang solusyon ay nangangailangang samahan ang mga mga pang araw-araw na pagkaing pang diyeta na makakatulong sa pagpapatibay ng kuko.
Pagsusuri at Paggamot
Ang terminong onychoschizia ay tumutukoy sa paghahati ng mga kuko pati na rin ang madaling pagkabasag o paglambot na mga kuko. Ang pag-inom ng mga suplementong biotin (isang bitamina) ay maaaring makatulong sa mga kasong ito, at ang paglalapat ng mga moisturizer pagkatapos ng pagbabad sa tubig ay maaari ding maka benepsiyo. ...