Pagdiskarga ng kayumangging kulay ng ari
Pelvis | Hinekolohiya | Pagdiskarga ng kayumangging kulay ng ari (Symptom)
Paglalarawan
Sa siklo ng pagreregla ng mga babae ang pag diskarga sa ari ay maaaring magbago. Ang normal na pag diskarga na may saklaw mula sa kulay puti at madikit na pagdidiskarga papunta sa madilaw na uri nito. Tipikal na walang kulay ang pagdidiskarga, ngunit ang kulay, tekstura at amoy ay maaaring mag dikta ng ibat ibang klase ng problema. Hindi sa lahat ng kaso na ang kulay kayumangging pagdiskarga sa ari ang sanhi ng pagkakabahala.
Mga Sanhi
Ang kayumangging pagdiskarga sa ari ay madalas na nangyayari sa mga may matatanda ng endometriyal na tisyu. Sa madaling salita, kapag nahuli ang pagregla ay maaari kang makakuha ng kulay kayumanggi imbis na kulay pula, na diskarga. Nangangahulugan din ito na sa kung ano mang rason ang nangyari sa nakaraang pagregla ang kabuuang lining ng uterin ay hindi nakalabas sa tamang oras. Ang nakikita nyo ngayon ay ang huli na pag alis nito. Kasunod ng panganganak, ang pagdurugo ay mangyayari sa loob ng ilang buwan, nagsisimula sa mas mabigat na agos at unti unti na nagiging malabnaw na diskarga. Ang pagdurugong ito ay kilala bilang lokiya, at nagiging kulay kayumanggi pag nalalapit na itong matapos, na nagtatagal ng anim na linggo.
Sa mga ibang mga kaso ay mayroong nagsasanhi ng pagkabahala. Ang kayumanggi pangungulay ng diskarga sa ari ay maaaring maging sintomas ng isang medikal na pangangailangan na mas lalong nakakatakot kumpara sa natitirang selula na endometriyal.
Ang mga iba pangkaraniwang kondisyon na nagsasanhi ng kulay na pagdiskarga ng kulay kayumanggi sa ari ay kasama na ang: kanser sa servikal, sakit sa pamamaga ng pelvik (PID), perimenopos, menopos, o mga sakit na naipapasa sa pagtatalik gaya ng gonoriya, klamdiya o warts sa ari ng babae. ...