Namamagang lalamunan
Lalamunan | Pangkalahatang Pagsasanay | Namamagang lalamunan (Symptom)
Paglalarawan
Ang pamamaga ng lalamunan ay isang magaspang na pakiramdam sa likod ng lalamunan na nagsasanhi ng hindi kaginhawahan, lalo na kapag lumulunok. Ang pamamaga ng lalamunan ay kinakarakterisa ng sakit, mahapdi o makating mga pakiramdam sa likod na lalamunan, sakit kapag lumulunok, at panlalambot ng leeg. Ang mga sintomas ng pamamaga ng lalamunan ay maaaring samahan ng pag-ubo, lagnat at mga pagang lymph node.
Mga Sanhi
Karamihan sa mga pamamaga ng lalamunan ay nangyayari dahil sa mga virus o mekanikal na sanhi tulad ng paghinga sa bibig. Ang pamamaga ng lalamunan ay isang karaniwang sintomas ng pharyngitis at kung minsan ng tonsillitis. Ito ay kadalasang unang sintomas ng sipon, trangkaso, laryngitis, nakakahawang mononucleosis, at maraming mga pangbatang sakit na viral, tulad ng bulutong, tigdas, at biki.
Maaaring magkaroon ng maraming sanhi ang pamamaga ng lalamunan tulad ng: mga karaniwang virus na nagsasanhi ng mononucleosis (mono) at trangkaso; impeksyon ng mga tonsil o adenoid; ang paghinga sa bibig o paninigarilyo ay maaaring magprodyus ng panunuyo ng lalamunan at pamamaga, gastroesophageal reflux disease (GERD) habang nakahiga o natutulog; sinus drainage mula sa mga alerdyik o kronik na sinusitis; mga impeksyong bakteryal sa Streptococcus Arcanobacterium hemolyticum.
Ang pagkakaroon ng pamamaga ng lalamunan pagkatapos ng paggagamot ng mga antibiyutiko, kemoterapiya, o ibang mga medikasyong nakakapekto sa sistemang immune ay maaaring dahil sa yeast Candida, na karaniwang kilala bilang trus. Ang pamamaga ng lalamunan na tumatagl ng higit pa sa dalawang linggo ay pwedeng isang senyales ng seryosong sakit, tulad ng kanser sa lalamunan o AIDS. ...