Canker Sores o Mga sugat sa bibig


Bibig | Odontolohiya | Canker Sores o Mga sugat sa bibig (Symptom)


Paglalarawan

Iba't-ibang uri ng sugat ang lumilitaw kahit saang parte ng bibig, kasama na rito ang pisngi, gilagid, dila, labi, o panlasa. Ang mga sugat o lokal na abnormalidad sa loob ng bibig ay maaaring magkaroon ng maraming kaso. Pinaka-karaniwan, ang sugat sa bibig ay naglalarawan sa mga aphthous ulcer, na tinatawag ring canker sores o aphthous stomatitis.

Mga Sanhi

Ang mga sugat sa bibig ay maaaring dulot ng iritasyon mula sa: isang matalim o sirang ngipin o maling sukat ng pustiso; pagkagat sa pisngi, dila, o labi; pinapaso ang bibig sa mga maaanghang na pagkain o inumin; braces; o pagnguya ng tobacco.

Ang mga cold sores ay dulot ng mga herpes simplex virus na sobrang nakahahawa. Kadalasan, nakakaramdam ng panlalambot, panginginig, o pagkapaso bago lumitaw ang aktuwal na sugat. Kadalasang nag-uumpisa ang cold sores sa paltos na nagbabalat kinalaunan. Maaaring mabuhay ang herpes virus sa katawan ng ilang taon. Lumilitaw lang ito bilang sugat sa bibig kapag mayroong nakapag-trigger rito, gaya ng: isa pang sakit, lalo na kung mayroong lagnat; hormone changes tulad ng menstruation; stress; at sun exposure.

Ang canker sores ay hindi nakakahawa. Lumilitaw ito bilang isang maputla o madilaw na ulser na mayroong pulang outer ring, o kumpol ng mga sugat. Ang sanhi ng canker sores ay hindi malinaw. Hindi gaanong karaniwan, ang mga sugat sa bibig ay maaaring tanda ng isang sakit, tumor, o reaksiyon sa medikasyon, gaya ng: autoimmune disease tulad ng lupus; kanser, impeksyon at mga gamot tulad ng aspirin, penicillin na makakapagdulot ng sugat.

Pagsusuri at Paggamot

Ang canker sores ay tipikal na nareresolba ng walang anumang tiyak na gamutan. Ngunit may mga hakbang na pwedeng gawin upang mapagaan ang sakit at kahirapang nararamdaman at para narin mapadali ang paggaling rito. Ilang pagsusuri tulad ng topical medications ay inilalagay ng direkta sa, mga mouthwash, at oral medications. ...