Kardiyomayopati o lumaking puso

Dibdib | Kardiyolohiya | Kardiyomayopati o lumaking puso (Symptom)


Paglalarawan

Ang kardiyomayopati na kilala rin bilang sakit sa kalamnan ng puso ay nasususkat sa pagkasira ng mga tungkulin ng kalamnan ng puso na tinatawag din na mayokardiyum, sa anumang kadahilanan, madalas na nauugnay ito sa pagpalya ng puso. Tumutukoy ito sa mga sakit sa puso na nagpapahina sa kalamnan sa puso na pumupwersa na magkaroon ng kontraksiyon sa kardiyak, kung kaya’t nababawasan ang pagiging maayos ng pagdaloy ng dugo.

Mga Sanhi

Ang kardiyomayopati ay maaaring magkaroon ng nakakahawa, metaboliko, nutrisyunal, lason, kontraresistensiya, o lumalalang mga sanhi. Pero, hindi naman alam sa karamihan ng mga kaso ang dahilan nito.

Maaaring kasama sa mga sintomas ng kardiyomayopati ang pagkahapo, pananakit ng dibdib, dyspneya, periperal na edema at palpitasyon. Ang kondisyon ay maaaring magbunga ng pagpalya ng puso, mga sintomas kasama na ang nahihirapang makahinga. Mayroong tatlong uri ng kardiyomayopati.

(1) Haypertropik na kardiyomayopati, na kadalasang namamana, ang kalamnan sa puso ay abnormal na kumakapal.

(2) Lumalaking kardiyomayopati, ang metabolism ng mga selula ng kalamnan sa puso ay abnormal at ang mga haligi ng puso ay lumulobo sa ilalim ng presyon.

(3) Mahigpit na kardiyomayopati ay sanhi ng pagkakapilas ng endokardiyum ( ang panloob na linya ng puso) o dahil sa amiloydosis.

Pagsusuri at Paggamot

Nakadepende sa kung anong uri ng kardiyomayopati ang paraan kung paano ito gamutin, ngunit maaari itong samahan ng medikasyon o iatrogenik / itinanim na peysmeker para sa mababagal na tibok ng puso, mga defibrillator para sa mga madaling magkaroon ng nakamamatay na ritmo sa puso. Maaaring magamot ang mga sintomas sa pamamagitan ng mga gamot na diuretiko upang makontrol ang kabiguan sa puso at mga gamot na konta aritmiko upang maitama ang abnormal na ritmo ng puso. Ang layunin ng paggamot ay madalas na nakapagpapabuti sa mga sintomas, at ang ilang sa mga pasyente ay maaaring mangailangan ng pagsalin ng puso kalaunan. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».