Pagbagbago sa katayuan ng isipan
Head | Neurolohiya | Pagbagbago sa katayuan ng isipan (Symptom)
Paglalarawan
Ang pagbabago ng katayuan sa kaisipan ay kondisyong naglalarawan sa pagbabagong pangkalahatan sa pagpapaandar ng utak, tulad ng pagkalito, amnesiya ang estado na kung saan nawawala ang memorya, nawawala ang pagiging alerto o oryentasyon. Ang iba pang kabilang ay ang panghuhusga o kakulangan sa pag-iisip, nababawasan ang regulasiyon ng emosyon at pagkagambala sa pang-unawa, kasanayan sa saykomotor at pag-uugali.
Habang ang pagbabago ng katayuan ng isipan ay malinaw na katangian ng isang kundisyon na pang saykayatriko at pang-emosyonal, ang mga kondisyong pangmedikal at pinsala na sanhi ng problema sa utak ay maaari ring maging dahilan ng mga pagbabago sa katayuan sa kaisipan. Ang pagkalito, pagkahilo, delihiryo, demensya, ensepalopati, at sindrom sa organikong utak ay lahat ng mga salitang ginagamit upang tukuyin ang kondisyon na minarkahan ng pagkakaroon ng deperensiya sa katayuan isipan.
Mga Sanhi
Ang mga nabagong antas ng kamalayan ay pwedeng mangyari dahil sa mga sumusunod na dahilan: mga pagbabago sa kemikal na komposisyon ng utak kagaya ng ekspoysur sa mga lason o nakakalasing, hindi sapat na oksigen o daloy ng dugo sa utak, at labis na pagtaas ng presyon sa loob ng bungo.
Ang pagbabago ng antas ng kamalayan ay ang pagtaas ng anumang kondisyon na lumalampas na sa normal na lebel. Ang antas ng kamalayan (LOC) ay sukat ng tao sa sa kung gaano kataas at kakayahang tumugon sa mga stimuli mula sa kapaligiran.
Ang kakulangan sa antas ng kamalayan ay nagdadahilan lamang na ang parehong mga serebral hemispirs o ang retikular activating sistem ay nasugatan. Ang nabawasang antas ng kamalayan ay nauugnay sa pagtaas na pagkamatay (disabilidad) at pagkamatay (kamatayan). ...