Pagbabago o Paglabo ng Mata

Mata | Optalmolohiya | Pagbabago o Paglabo ng Mata (Symptom)


Paglalarawan

Ang paglabo ng paningin ay palatandaan ng sintomas na nagdudulot ng hindi malinaw o malabo na pag aninag sa imahe. Ang malabong paningin, hindi dapat malito sa dobleng paningin na kilala bilang diplopia, ay maaaring mangyari sa isa o parehong mata, para sa mga yugto ng magkakaibang haba ng oras, at maaaring mangyari ng paunti-uti o biglaan.

Mga Sanhi

Ang paglabo ng paningin ay maaaring naging resulta mula sa mga abnormalidad na simula ng ipinanganak gaya ng near or far sightedness na nangangailangan ng lens na magwawasto o maaari itong sinyales ng pagkakaroon ng sakit sa mata. Ang karaniwang sanhi ng matagal nang malabong paningin ay isang repraktibo na error tulad ng astigmatism, ang hindi pantay na kurbada ng harap ng mata, hypermetropia (longsightedness), o myopia (shortsightedness), ang mga ito ay pwedeng maitama ng antipara at contact lens. Matapos ang edad na 40, ang presbyopia, na binabawasan ang kakayahang tumuon sa malapit sa mga bagay ay mas pangkaraniwan.

Ang paningin ay maaari ring mapinsala o lumabo bilang resulta ng pinsala, sakit, o abnormalidad ng mga bahagi ng mata o mga koneksyon nito sa utak. Ang pinakakaraniwang sanhi ng malabong paningin bilang resulta ng sakit ay ang cataract at retinopathy. Ang iba pa ay maaaring ang mga sumusunod: glaucoma, impeksyon sa mata, pamamaga o pinsala, stroke, tumor o bukol sa utak, sobrang pagsakit ng ulo.

Ang ilang mga gamot ay maaaring mag sanhi ng paglabo ng paningin bilang isabg epekto nito. Ang ilan sa mga gamot na ito ay may kasamang oral contraceptives, cortisone, gamot sa puso at ilang mga antidepressant. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».