Kirot sa dibdib kapag humihinga

Dibdib | Pulmonolohiya | Kirot sa dibdib kapag humihinga (Symptom)


Paglalarawan

Ang pleurisy (kilala rin bilang pleuritis) ay pamamaga ng pleura, ang humahanay sa pleural cavity na pumapalibot sa mga baga. Ang pleurisy ay pagsakit ng dibdib na inilalarawan ng isang matalas na kirot sa dibdib na lumalala sa paghinga. Ang sakit ay kadalasang naiuugnay sa pamumuo ng labis na likido sa puwang sa pagitan ng dalawang LAYER ng pleura. Ang likido ay tinatawag na pleural na pagbulwak.

Depende sa sanhi nito, ang pleurisy ay maaaring samahan ng iba pang sintomas: kakapusan ng hininga; ubo; lagnat at pangangatog, mabilis at malalim na paghinga; hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang; pananakit ng lalamunan na sinusundan ng kirot at pamamaga ng mga kasukasuan; diarrhea, ventricular tachycardia; pag-ubo ng dugo.

Mga Sanhi

Ang mga kondisyong sumusunod ay maaaring maging sanhi ng pleurisy: mga impeksiyon: bakteryal (kabilang na ang mga nagdudulot ng tuberculosis), mga onggo, parasito o mga birus; mga nasisinghot na kemikal o mga lason; ang pagkalantad sa ilang mga panlinis tulad ng ammoniac; mga karamdamang collagen vascular (lupus, rayuma); mga kanser, tulad ng, pagkalat ng kanser sa laga o suso sa pleura; mga tumor ng pleura (mesothelioma o sarcoma); paninikip: heart failure; embolismong pulmonaryo; obstruksiyon sa tsanel ng limpa; trauma: mga bali sa tadyang o mga iritasiyon mula sa mga tubo ng dibdib na ginagamit upang mailabas ang hangin o likido mula sa pleural cavity sa dibdib; ilang mga gamot: mga gamot na nagiging sanhi ng mala-lupus na mga sakit; mga prosesong abdominal, tulad ng pancreatitis, cirrhosis ng atay, sakit sa apdo, at pinsala sa pali.

Pagsusuri at Paggamot

Ang kumpleto na eksaminasiyong pisikal at ilang mga pagsusuri upang alisin ang ibang mga kondisyon ay ginagawa upang kilalanin ang sakit na pleurisy. Ang mga kagamutang gagagmitin at nakadepende sa pinaka-ugat na sanhi, kasama na ang mga gamot na analgesic. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».