Chronic Cough
Dibdib | Pulmonolohiya | Chronic Cough (Symptom)
Paglalarawan
Ang ubo ay isang aksyon na nangyayari dahil sa pagtangkang maayos ang daluyan ng hangin sa mucus, sputum, foreign body, o iba pang mga sagabal o nakaharang. Ang ubo ay produktibo kapag ito'y naglalabas ng mucus o sputum at hindi produktibo, o tuyot, kapag ito'y hindi naglalabas. Karamihan sa mga ubo ay dahil sa iritasyon sa daluyan ng hangin dahil sa alikabok, usok o isang viral na impeksyon sa upper respiratory tract. Ang pag-ubo ay isang tanda ng bronchitis, asthma, pneumonia, at kanser sa baga.
Ang chronic cough ay ubo na hindi tumitigil. Ang chronic cough ay hindi sakit; bagkus ay isang sintomas ng isang pinagbabatayang kondisyon.
Mga Sanhi
Ilan sa mga karaniwang sanhi ng chronic cough ay ang asthma, allergic rhinitis, sinus problems (halimbawa ay ang sinus infection), at esophageal reflux sa loob ng tiyan. Ang karaniwang sanhi ng chronic coughing ay ang: paninigarilyo, at ang pinaka-karaniwang sanhi ng chronic cough ay ang; gastroesophageal reflux disease (GERD) na tumutukoy sa acid reflux o backward flow ng asido sa tiyan at iba pang mga nilalaman nito patungo sa esophagus.
Ang ilang medikasyon na ginagamit sa paggamot ng high blood pressure, ay maaaring makapagdulot ng chronic cough. Ang mga impeksyon tulad ng bronchitis o pneumonia ay makakapagdulot ng acute cough o chronic cough. Ang ilan sa mga hindi gaanong karaniwang sanhi ng chronic cough ay ang allergies, tumours, sarcoidosis, congestive heart failure, o iba pang mga sakit sa baga tulad ng chronic obstructive disease (COPD) o emphysema.
Pagsusuri at Paggamot
Ang paggamot sa ubo ay direkta patungo sa partikular na sanhi. Upang matukoy ang sanhi nito, kinakailangang magsagawa ng chest x-ray. ...