Coccydiniya o Pananakit ng kuyukot

Mababang Bumalik | Ortopediks | Coccydiniya o Pananakit ng kuyukot (Symptom)


Paglalarawan

Ang coccydiniya ay ang terminolohiyong pang medikal na nangangahulgan ng pananakit ng kuyukot o sa bahagi ng kuyukot. Ang coccydiniya ay ang pamamaga ng mabutong bahagi na nakikita sa buto sa puwitan o kuyukot na matatagpuan sa puwit.

Mga Sanhi

Ang ilan sa mga ibat-ibang kondisyon na nagsasanhi ng pagsakit sa pinaka bahagi ng kuyukot, pero hindi lahat ay kinabibilangan ng kuyukot at mga kalamnan na nakadikit dito. Ang coccydiniya ay maaaring magresulta mula sa hampas sa bandang gulugod sa tuwing nalalaglag, mula sa matagal na presyon dahil sa hindi magandang postura tuwing umuupo, o ang paggamit ng posisyon na litotomi habang nanganganak. Ang coccydiniya ay madalas na resulta ng pinsala, pero maaari din itong mangyari ng hindi inaasahan.

May mga sakit sa buto sa bandang puwitan ang kayang gayahin ang coccydiniya, kasama na ditto ang sciatica, impeksyon, bukol na pilonidal, at napilay na buto. Kung minsan, ang coccydiniya ay dahil sa mga hindi nasuring presensya ng sakrokoccygeal teratoma o iba pang tumor sa bahagi ng kuyukot. Sa ganitong mga kaso, ang naaayon na paggamot ay kadalasang kinabibilangan ng pagoopera at/o kemoterapi.

Pagsusuri at Paggamot

Ang coccydiniya ay kadalasang sinusuri base sa mga sintomas at mga nahanap sa eksaminasyon na lokal na panlalambot. Kadalasan ding nawawala ang sakit paglipas ng panahon. Ang paggamot ay pwedeng samahan ng init, indyeksiyon ng anestetiko at manipulasyon. Ang pagsusuri at pwede ding samahan ng x-ray at MRI. Ang ,mga pasyenteng merong coccydiniya ay pinapayuhang gumamit ng mga upuan na makapal ang sapin kapag uupo at iwasang maupo sa matagal na panahon hanggat maaari. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».