Pananakit at Paninigas ng Kasukasuan

Heneral at iba | Rayumatolohiya | Pananakit at Paninigas ng Kasukasuan (Symptom)


Paglalarawan

Ang pananakit ng kasukasuan ay nailalarawan sa pamamagitan ng pagkakirot o hindi maginhawang pakiramdam ng kasukasuan. Ang kasukasuan ay ang lugar kung saan ang dalawa o higit pang mga buto ay matatagpuan, gaya ng bewang, tuhod, balikat, siko, at sakong na siya namang nagpapagalaw sa mga buto. Ito ay binubod ng kartilogo, mga litid, bulsa na maylikido na siyang sumusuporta sa kasukasuan na tinatawag na bursas, at synovial. Ang kahit anong istraktura ng kasukasuan ay pwedeng mag maga at kumirot na pwedeng tumugon sa katamtamang hindi birong sakit, karamdaman, o kundisyon. Ang pananakit ng kasukasuan ay pwedeng mangyar kahit ito ay hindi ginagalaw, at pwede din mabawasan ang paggalaw ng isang tao.

Ang pananakit ng kasukasuan ay inilalarawan na kakulangan sa ginhawa, pamamaga, pag-init ng pakiramdam, pamimintig, paninigas, at pagsakit. Ito ay pwedeng mangyari sa maikling oras, at pwede naman maging grabe pag umabot ng tatlong buwan.

Mga Sanhi

Ang pananakit ng kasukasuan ay maraming mga sanhi. Ang biglang pananakit ng kasukasuan ay pwedeng dahil sa biglang pagkapwersa ng litid, bursitis, o dislokasyon. Ang mas grabeng pananakit ng kasukasuan ay pwedeng sintomas ng mas malalang kundisyon, gaya ng rayuma, osteoarthitis, leukemia, o kanser sa buto.

Ang pananakit ng kasukasuan ay madalas umaatake kasabay ng ibang sintomas na iba pang mga sakit, karamdaman, o kundisyon. Qng iba pang mga sintomas ay gaya ng pamamaga ng kasukasuan, pamumula, and lagnat. Ang pananakit ng kasukasuan ay pwede din lumitaw kasabay ng ibang sintomas na may kinalaman dito, gaya ng: hindi kayang igalaw ang kasukasuan na apektado, hirap sa paggalaw, paninigas, pamamaga o nakikitang pagbabago sa itsura ng apektadong kasukasuan.

Pagsusuri at Paggamot

Ang pananakit ng kasukasuan na nakuha sa pinsala o sobrang paggamit dito ay ang madaling gamutin dahil ito ay pansamantalag kundisyon lamang at hindi lumalala. Para sa ganitong uri ng sakit, ang inerrrekomendang paggamot ay paginom ng anti-inflamatory na gamot. Para naman sa arthritic na sakit sa buto, lalo na kung may sira ang kartilogo, kumbinasyon ng suplemento ng glucosamin at chondroitin ay kailangan para gumaling ang nasirang kartilogo at mabawasan ang pananakit. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».