Kontraksyon
Pelvis | Obstetriks at Hinekolohiya | Kontraksyon (Symptom)
Paglalarawan
Ang panahon ng gestasiyonal ay humahaba sa loob ng 37 hanggang 42 na linggo. Kapag ang buntis na babae ay nakararanans ng kontraksiyon bago ang ika 37 na linggo maaari syang manganak ng maaaga, na kung saan ang kontrasiyon ay nangyayari matapos ang ika 42 na linggo na ngangahulugan ito nan a delay na ang kanyang panganganak. Ang kontraksiyon sa uterin ay ang peryodikong paghigpit at pag luwag ng kalamnan sa uterin, ang pinaka malaking kalamnan sa katawan ng babae, at sila ang pinaka mahirap na mapredik. May kung ano man na naguudyok sa glandula ng pituitary na maglabas ng hormon na tinatawag na oksitoksin nag nagsistimula ng paghihigpit ng uterin. Mayroong dalawang uri ng kontraksyon: Ang kontraksyon ng Braxton Hicks sa uterin at kontraksyon sa panganganak.
Ang kontraksyon ng Braxton Hicks ay sporadik at ang isang buntis ay maaari itong maranasan tuwing nagbubuntis o hindi. Nagsisimula ito mula ika-6 na linggo ng pagbubuntis, ngunit maaaring hindi nila maramdaman kaagad. Nararanasan ito ng karamihan sa mga kababaihan sa kalagitnaan ng kanilang pagbubuntis. Lumalakas ang kontraksyon sa bandang huli na ng pagbubuntis at hindi tulad kontraksyon sa labor, hindi sila gaanong masakit. Ang ilang mga buntis na kababaihan ay walang nararamdamang kirot, habang ang ilan naman ay hindi nakararanas ng ganitong uri ng kontraksiyon. Ang mga kontraksyon ng labor ay nagpapahiwatig na ng panganganak, ngunit ang labor ay hindi nangyayari sa lahat ng kaso ng mga kababaihan sa parehong panahon.
Gayunpaman, kapag papalapit na itong maramdaman, ang sanggol ay pumupunta sa ibabang bahagi ng matris (ang pelvis), habang naghahanda ito upang lumabas. Maaari itong mangyari ilang linggo o kahit na oras bago ang kapanganakan. Ang pagsira sa panubigan ay isa pang palatandaan na nagsimula na ang labor, at makalipas ang ilang oras ay mangyayari na ang kontraksyon. Kasama sa ilang mga katangian ay: pagsisimula na ng regular na agwat; karaniwang lumilipat ito mula sa likod patungo sa tiyan; tumatagal ng halos 30-70 na segundo; mas nagiging masakit habang papalapit na ang panganganak. Posibleng na, sa loob ng 35 linggo, ang kontraksyon sa uterin na walang nangyayari sa patolohikal na kahalagahan, pero hindi ibig sabihin nito na ang kontraksyon na ito ay sapat na upang makabuo na ng panganganak. ...