Ubo
Dibdib | Pulmonolohiya | Ubo (Symptom)
Paglalarawan
Ang ubo ay isang aksyon na nangyayari dahil sa pagtangkang maayos ang daluyan ng hangin sa mucus, sputum, foreign body, o iba pang mga sagabal o nakaharang. Mayroong tatlong yugto ang ubo: paglanghap, pwersahang pagbuga ng hangin sa saradong glottis, at ang marahas na paglabas ng hangin mula sa baga kasunod ng pagbukas ng glottis, kadalasang sinasamahan ng isang katangi-tanging tunog. Ang ubo ay produktibo kapag ito'y naglalabas ng mucus o sputum at hindi produktibo, o tuyot, kapag ito'y hindi naglalabas.
Ang ubo ay maaaring acute kapag ito ay naroroon ng mababa sa tatlong linggo, subacute naman kung naroroon ito sa pagitan ng tatlo at walong linggo, at chronic kung tumagal ito ng mahigit sa walong linggo. Nangyayari ng boluntaryo o hindi boluntaryo ang pag-ubo.
Mga Sanhi
Karamihan sa mga ubo ay dahil sa iritasyon sa daluyan ng hangin na dulot ng alikabok, usok, o isang viral na impeksyon sa upper respiratory tract. Ang mga pinaka-karaniwang sanhi ng acute na pag-ubo ay ang: sipon; acute sinusitis; pertussis (tuyong ubo); chronic obstructive pulmonary disease (COPD) exacerbations; allergic rhinitis; at non-allergic rhinitis.
Para sa ubong tumagal sa pagitan ng 3 at 8 na linggo, ang pinaka-karaniwang sanhi nito ay ang: post-infectious cough; acute sinusitis; at asthma. Ang pinaka-karaniwang sanhi naman ng chronic cough ay ang: post-nasal drip (plemang natuyo mula sa likod ng ilong papunta sa lalamunan); asthma (at cough-variant asthma); gastroesophageal reflux disease (GERD); eosinophilic bronchitis; medication induced (ACE inhibitors); at paninigarilyo. Ang ubo ay isang sintomas kaya ang tiyak na paggamot rito ay direkta sa napailalim na karamdaman. ...