Hiwa
Balat | Dermatolohiya | Hiwa (Symptom)
Paglalarawan
Ang hiwa ay naiuugnay sa pinsala sa balat. Bagaman ang mga hindi malalang hiwa at gasgas ay hindi nangangahulgan ng matinding pangangailangan ng medikal na atensyon, maayos na pangangalaga ay kinakailangan upang maiwasan ang impeksyon o anumang kompikasyon.
Pagsusuri at Paggamot
Sa mga kaso ng simpleng sugat kinakailangan na patigilin ang pagdurugo. Hindi malalalim na hiwa at gasgas kay kadalalasang humihinto na ang pagdurugo ng kusa. Kapag hindi, magaan na presyon na may kasamang malinis na tela o benda ang kailangang gawin. Ang suga ay dapat na malinis at mabanlawan gamit ang malinis na tubig. Maaaring maka irita sa sugat ang sabon kung kayat dapat malayo ito sa aktwal na sugat. Kung may dumi o debri na natira sa sugat pagkatapos hugasan, pagtyane na may kasamang alcohol ang kinakailangan upang matanggal ang piraso. Kung may natira pading debri, kinakailangan nang magpakonsulta sa doktor.
Ang sugat na mas malami sa 1/4-inch (6 na milimetro) o nakabuka o nakaukit at merong taba o kalamnan na nakausli ay karaniwang nangangailangan ng tahi. Senyales ng impeksyon ay kailangang bantayan sa mga kasong ganito. Ang konsulta ng doktor ay kinakailangan kung ang sugat ay hindi gumagalig o may pamumula, lalong sumasakit, nagtutubig, umiinit o namamaga. Pag turok sa tetano ay pwede ding gawin. ...