Balakubak o Panunuklap ng anit
Head | Dermatolohiya | Balakubak o Panunuklap ng anit (Symptom)
Paglalarawan
Ang balakubak ay isang hindi nakakapinsalang kondisyon na nangyayari lamang kapag ang patay na balat sa anit ay nalalaglag, na madalas na gumagawa ng mga natutuklap na kulay puti. Ang karaniwang sanhi sa kondisyong ito ay ang pantal na seborhoeik dermatitis. Ang madalas na pagkakababad sa matinding init at lamig ay maaaring maging sanhi minsan ng balakubak, ang kondisyong ito ay hindi dapat maging pampalito sa isang simpleng tuyong anit. Ang balakubak ay madalas na sanhi ng isang lebadura na organismo na lumalaki sa anit. Ang malawak na balakubak ay kilala bilang seborhoeik dermatitis, isang karamdaman na sanhi ng pamamaga at pag-tuklap ng balat sa iba pang mga lugar ng katawan, tulad ng mukha, dibdib, at likod.
Mga Sanhi
Napatunayan na ang balakubak ay resulta ng tatlong kadahilanan: langis sa ating balat na tinatawag na sebum o sebasiyus sekresiyons; ang mga metabolikong produkto ng mikroorganismo sa ating balat; indibidwal na suseptibilidad. Ang balakubak ay maaari ding maipakita bilang isang reaksiyon ng alerdyi sa mga kemikal sa mga gel ng buhok, spray, at sabon sa buhok, langis ng buhok, o kung minsan kahit na mga gamot na balakubak tulad ng ketoconazole. Mayroon ding matinding kontribusiyon ang sobrang pawis at klima na may makabuluhang papel sa pagdami ng balakubak. Maaari ding palatandaan ng eksema o soryasi ang balakubak.
Pagsusuri at Paggamot
Maaari mong magamot ang balakubak sa pamamagitan ng paghuhugas ng iyong buhok tatlo hanggang apat na beses sa isang linggo gamit ang sabon sa buhok na nakabatay sa alkitran o sabon sa buhok na naglalaman ng sangkap na kontrapampaalsa. ...