Demensya
Head | Neurolohiya | Demensya (Symptom)
Paglalarawan
Ang demensya ay isang progresibo organikong karadmdamang mental na inilalarawan ng kronikong disintegrasyon ng personalidad, pagkalito, disoryentasyon, kawalang-pakiramdam, panghihina ng intelektwal na kakayahan at kaalaman, ang pagkawala ng kontrol sa memorya, pagpili at mga kilos. Pagkasira ng kognitibong kakayahan na hindi naaapektuhan ang lebel kamalayan.
Mga Sanhi
Ang demensya ay maaaring lumitaw sa iba't ibang kondisyon. Ito ay pinakakaraniwan paglagpas ng edad na 60, ngunit ito'y maaaring lumitaw sa mas maagang edad. Ito ay maaaring estatika, resulta ng isang natatanging global na pinsala sa utak, o progresibo, na nagiging dahilan ng matagalang paghina dahil sa isang pinsala o sakit sa katawan. Kahit na ang demensya ay mas karaniwan sa mga populasyong geriatric, maaarin din itong lumitaw bago ang edad na 65, kung saang ang kasong ito ay tinatawag na maagang pagsisimula ng demensya.
Ang mga sintomas ng demensya ay maaaring maigrupo bilang reversible o irreversible, depende sa etyolohiya ng sakit. Ilan sa mga pinakakaraniwang uri ng demensya ay: karamdamang Alzheimers, demensyang vascular, demensyang frontotemporal, demensyang semantic at demensyang may kasamang mga katawang Lewy. Ang progresibong demensya ay maaaring ding dahil mga kapansanang vascular tulad ng demensyang multi-infract at ng mga impeksiyong tulad ng HIV at karamdamang Creuzfeldt-Jakob. Ang Alzheimer, Pick's at iba pang organikong uri ng demensya ay itinuturing na irreversible, progresibo, at hindi nagagamot. Ngunit, ang mga kondisyong nagigng dahilan ng paghina ay maaaring magamot o partially reversible.
Ang pinakakaraniwang uri ng demensya ay progresibo. Ang mga sintomas ay kadalasang: pagkalito, pagkawala ng alaala, mga delusyon, mga alusinasyon, problema sa paglakad, pagsasalita, insomnia, pagiging iritable at depresyon. ...