Problemang Dental
Bibig | Odontolohiya | Problemang Dental (Symptom)
Paglalarawan
Ang mga dental cavities (caries) ay mga butas sa dalawang outer layers ng isang ngipin na tinatawag na enamel and dentin ay kadalasang dulot ng mga bakterya sa bibig at mula sa kakulangan ng kalinisan sa bibig. Ang enamel ang matigas na puting suson sa pinakalabas at ang dentin ang dilaw na suson sa ilalim ng enamel. Ang parehong mga suson ay nagsisilbing panluob ng lining ng buhay na tisyu ng ngipin na tinatawag na pulp, kung saan ang mga blood vessel at mga ugat ay natatagpuan. Ang mga dental cavities are karaniwan, na nakakaapekto sa mahigit 90% ng populasyon. Ang maliliit na cavities ay maaaring hindi magdulot ng sakit, at maaaring hindi mapansin ng pasyente. Ang mga mas malalaking cavities ay maaaring mag-ipon ng pagkain, at ang nasa loob na pulp ng apektadong ngipin ay maaaring mairita dahil sa mga barkeryal na toxins, malalamig na pagkain, mainit, maasim o matamis na nagkapagdudulot ng pananakit ng ngipin.
Ang presentasyon ng mga caries ay iba-iba. Ngunit, ang mga panganib at ang mga yugto ng paglago ay magkakahawig. Sa una, maaati itong makita na isang maliit na mala-chalk na parte (smooth surface carries), na maaaring maging mga malalaking cavitation. Minsan, ang mga caries as maaaring direktang nakikita.
Ang isang taong nakakaranas ng caries ay maaaring hindi namamalayan ang karandaman. Bago mabuo ang cavity, ang proseso ay reversible, pero kapag nabuo na ito, ang pagkawala ng istruktura ng ipin ay hindi na maibabalik. Ang lesyon na mala-kape at makinang ay nagmumungkahi na ang mga dental carries ay naroon pero ang proseso demineralisasyon ay tumigil na, na nagiiwan ng bakas. Ang isang mala-kapeng lugar na may hindi matingkad na hitsura ay maaaring isang senyales ng aktibong carries. Maaaring kabilang sa mga sintomas ay pagsakit ng ngipin, panga, mukha, mainit at malamig na intoleransiya ng ngipin at pamamaga ng mga gilagid. ...